HINILING ni Sen. Francis Tolentino sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na huwag payagang maipalabas ang pelikulang Barbie sa Pilipinas.
Ang pakiusap ay kasunod ng desisyon ng Vietnam na huwag ipalabas ang naturang pelikula sa kanilang mga sinehan dahil sa isang eksena na nagpapakita ng “nine-dash line” ng China.
Ani Tolentino, “If the invalidated 9-dash line was indeed depicted in the movie ‘Barbie,’ then it is incumbent upon the MTRCB to ban the same as it denigrates Philippine sovereignty.”
“Dapat lang ipagbawal ang pelikulang ‘Barbie’ dahil ang ipinakita nitong 9-dash line ay salungat sa katotohan at ipinawalang-bisa na ng arbitral ruling noong 2016,” giit pa ng senador.
Hinimok naman ni Sen. Risa Hontiveros na maglagay ng babala o disclaimer ukol sa pelikula para ipaalam sa netizens na walang katotohanan nag nine-dash line ng China.
“The movie is fiction, and so is the nine-dash line. At the minimum, our cinemas should include an explicit disclaimer that the nine-dash line is a figment of China’s imagination,” ani Hontiveros.
Isang pahayag naman ang ipinamahagi ng MTRCB ukol sa pelikula.
Ayon sa kanila, “We confirm that the Board has reviewed the film “Barbie” today, 04 July 2023. At this time, the assigned Committee on First Review is deliberating on the request of Warner Brothers F.E. Inc. for a Permit to Exhibit.
“Once available, a copy of the Permit to Exhibit or the Committee’s decision will be uploaded to the Agency’s official website.”
Ipalalabas sana ang Barbie sa July 19.