Monday , May 12 2025
Angat Dam

  Angat Dam sa Bulacan malapit na sa critical level

Sa kabila nang mga naranasan na pag-ulan ng ilang araw, patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam na nasa Norzagaray, Bulacan.

Ayon  sa National Water Resources Board (NWRB), dalawang metro na lamang ang ibaba ng antas ng tubig sa naturang dam at ito ay nasa kritikal na antas na.

Ang critical level ay 180 metro at hanggang kahapon ito ay nasa 181.22 metro na pero sinabi ni NWRB executive director Sevillo David, Jr., ang pagbaba ng tubig ay hindi pa apektado ng  El Nino.

Dagdag pa ni Sevillo, wala pang pagbabago sa alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam ngunit tiyak na magbabago ito kapag bumaba na sa critical level ang antas nito. 

Aniya pa na kapag nangyari ito ay mababawasan ang alokasyon ng tubig para sa irigasyon dahil ang prayoridad ay ang pangangailangan sa tubig ng Metro Manila. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …