Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

Sa Nueva Ecija
BRGY. CHAIRMAN TIKLO SA BARIL, BALA AT GRANADA

Nasamsam ng mga awtoridad ang mga baril, bala at granada sa ipinatupad na search warrant sa bahay ng isang opisyal ng barangay sa Guimba, Nueva Ecija.

Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director PBGeneral Jose S Hidalgo Jr. ang magkasanib na mga operatiba ng Regional Special Operations Group 3, RMFB3 at Guimba MPS na pinamunuan ni PLTColonel Jay C Dimaandal, AFC, RMFB3/C, RSOG3 ang nagpatupad ng Search Warrant no. 22-2023-OEJ para sa paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition)..

Ito ay inisyu ni Judge Frazierwin Villaflor Viterbo, Executive Judge, Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 33, Guimba, Nueva Ecija, laban kay Gil Gamis y Romin, kasalukuyang barangay chairman ng Brgy. San Miguel, Guimba, Nueva Ecija.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkaaresto ng nabanggit na barangay chairman at pagkakumpiska ng isang M16 rifle, isang Carbine, isang rifle grenade, maraming bala, magazine assemblies at flare gun.

Ang paghalughog sa kanyang bahay ay isinangawa in an orderly manner sa presensiya ng iba pang lokal na opisyal. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …