Monday , December 23 2024

Pabrika sinalakay ng CIDG, 4 arestado
P4-M HALAGA NG MAPANGANIB AT NAKAMAMATAY NA KATOL NAKUMPISKA

070423 Hataw Frontpage

MULING umiskor ang mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3 katuwang ang CIDG Bulacan PFU at mga kinatawan mula sa Food and Drug Administration (FDA) matapos makasamsam na naman ng Php4,000,000.00 halaga ng mga hindi nakarehistrong katol na “Wawang” at pagkaaresto ng apat na suspek sa ikinasang  buybust operation sa Pandi Industrial Park, Brgy Cupang, Pandi, Bulacan.

Kinilala ni CIDG Director, PMGeneral Romeo M Caramat Jr. ang mga suspek na sina  Michael Wu Shi, 41, may-ari, (Filipino); Yanfen Guo, 35, manager (Chinese); Guangkun Lin, 40, assistant manager (Chinese); at Febe Joy Fajardo Al-Rawahi, 39,  secretary (Filipino).

Ang mga suspek ay naaktuhan ng mga awtoridad sa aktong namamahala at nangangasiwa sa produksiyon ng mga nasabing katol na hindi nakarehistro sa FDA kaya may dalang panganib at maaaring ikamatay pa ng mga taong gagamit nito.

Sa naging pahayag ni CIDG Director PM General Caramat Jr. na; “During the operation, sinubukan ng ating undercover na pulis na bumili ng mosquito coil ngunit naramdaman ni Shi na nakikipag-ugnayan sila sa mga pulis. Gayunpaman, dahil nakita at na-obserbahan ng atring operatiba ang aktuwal na produksyo nito in plain view naging dahilan ito para sa iba pang miyembro ng joint operating team na magsagawa ng on-the-spot inspection. Doon ay napatunayan mula sa kinatawan ng FDA na walang lisensya para mag-operate ang nasabing business establishment”

Nakumpiska sa mga arestadong suspek ang 190 malalaking kahon ng finished products ng mosquito coil, raw materials, at electric machine na tinatayang ang halaga ay aabot sa Php4 million.

Kasabay nito ay nai-rescue ng operating teams ang 21 underpaid na mga empleyadong Filipino na isinailalim sa kustodiya ng barangay councilor ng Brgy. Cupang, Pandi, Bulacan.

Ang mga arestadong suspek at mga nakumpiskang piraso ng ebidensiya ay dinala sa CIDG RFU3 office para sa dokumentasyon at angkop na disposisyon habang kasong paglabag sa Sec. 11 ng RA 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009) at Art. 18 of RA 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang inihahanda na laban sa mga naaresto. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …