Monday , April 14 2025
Alexis Castro Bulacan Northwind Global City Megaworld Crossroads Ayala Land

Malalaking proyekto sa Bulacan prayoridad sa trabaho ang mamamayan sa lalawigan

Ipinangako ng dalawa sa mga malalaking proyektong paparating sa Bulacan, ang Northwind Global City ng Megaworld Corporation at Crossroads ng Ayala Land Estates, Inc., na prayoridad nila ang pagbibigay ng trabaho sa mga Bulakenyo.

Sa isang regular na forum kasama ang mga mamamahayag noong Biyernes na tinawag na Talakayang Bulakenyo 2023 sa pangunguna ng Provincial Public Affairs Office, sinabi ni John Marcial Estacio, Estate Head ng Ayala Land Estates, Inc., na tiyak na kabilang ang mga Bulakenyo sa kanilang magiging mga manggagawa.

“Bibigyang-priority po natin na unahin ang pag-aalok ng trabaho sa mga manggagaling sa Bulacan, partikular na sa mga karatig bayan na pagtatayuan ng AyalaLand Crossroads. Siguro ay nasa 40% ang ating target,” ani Estacio.

Gayundin ang naging pangako ni Ma. Kamille Andrea Quiniano, Senior Sales Manager ng Megaworld Corporation.

“We have the vision to really help the improvement of Bulacan as a province as one of the most competitive. It will be our advantage to make use of the talents of Bulakenyos and definitely it’s the main priority of Northwin Global City to employ people from Bulacan from the development up to the time that it is developed already,” ani Quiniano.

Samantala, sinabi ni Bise Gob. Alexis C. Castro na kaisa ni Gob. Daniel R. Fernando at milyun-milyong Bulakenyo, inaabangan ng probinsiya ang katuparan ng malalaking proyektong ito at ang benepisyong nito sa mga Bulakenyo.

“This is the right time to invest in our province. We welcome all the businesses, all the opportunities and the Provincial Government is thrilled because of all the development that’s coming for us,” ani Castro.

Gayundin, ibinahagi naman ng Pinuno ng Bulacan Environment and Natural Resources Office na si Abgd. Julius Victor Degala sa media ang resulta ng kanilang benchmarking kamakailan sa Japan na may kinalaman sa bagong teknolohiya sa pamamahala ng basura.

“Pumunta kami doon para tingnan ang mga magaganda at latest technology ng Japan pagdating sa solid waste management. May iuuwing napakagandang proyekto ang ating gobernador pagdating sa solid waste management. ‘Wag na po kayo mabahala at andiyan na po ang available technology at iyan po ang panagot po natin sa napipintong pagtaas ng basura sa hinaharap,” ani Degala.

Dumalo rin sa Talakayang Bulakenyo bilang miyembro ng panel sina Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette V. Constantino, Pinuno ng Provincial Planning and Development Office Arlene G. Pascual, Pinuno ng Provincial Legal Office Abgd. Gerard Nelson Manalo, at Abgd. Gerald Biscarra Baro, Chief of Staff ni Castro, samantalang nagsilbing moderator si Katrina Anne Bernardo-Balingit, pinuno ng Provincial Public Affairs Office.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …