Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia Rock The World Charity Concert Academy of Rock

Joshua ‘nainggit’ sa mga batang marunong tumugtog at kumanta

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang Rock The World Charity Concert ng Academy of Rock na ginanap last July 1 sa Music Museum sa pangunguna ng presidente at founder nitong si Prescila Teo at ng mga shareholders nitong sina Jonathan Manalo, Rox Santos, Enchong Dee, at Joshua Garcia. 

Ani Joshua, “Natutuwa ako, nakakapang-lambot ng puso na makita mo ‘yung mga kabataan. And I’m sure maraming mai-inspire rito at sana ‘yung mga magulang patuloy nilang i-encourage ‘yung mga anak nila na mag-try ng iba’t iba (singing and playing instruments) para makapag-explore sila. And ito namang event na ito ay isang charity and at the same time it’s a recital.”

Pakiramdam nga ni Joshua ay parang mga anak niya ‘yung mga bata habang nagpe-perform ang mga iyon. “Oo ganoon ‘yung pakiramdam, hindi kasi ako naging ganoon ka-active sa AOR kasi nga naging busy ako sa trabaho and this is the first time naka-attend ako.”

And you can say now na worth it ang pagsugal mo sa ganitong negosyo, tanong namin sa kanya, “Of course, hindi mo masabi na baka may ma-discover ka rito na artist and at the same time nakatutuwa na makatulong kami na mag-explore ang mga bata. Kasi alam natin na kailangan nating ipa-experience halos lahat para makapili sila kung anong talent nila.”

Dagdag pa ng aktor, “Natutuwa nga ako kasi noong bata ako wala akong ganito. Wala akong instrument, walang nagtuturo sa akin. With the academy natutulungan natin ang mga bata.”

Soon ay baka magkaroon sila ng scholars sa mga talentong gustong matuto pero walang kakayahang magbayad.

Espesyal  na panauhin at naghandog ng awitin sina Idol Philippines Season 2 Khimo Gumatay, Cesca,Trisha Denice, at Yeng Constantino.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …