Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

3 wanted persons, 6 law violators nasakote ng Bulacan police

Isa-isang nahulog sa kamay ng batas ang tatlong pugante at anim na indibiduwal na lumabag sa batas sa magkakasunod na police operations sa Bulacan kamakalawa.

Sa ipinadalang ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang tatlong pugante ay arestado sa  manhunt operations na isinagawa ng tracker team Baliuag, San Miguel, at Meycauayan C/MPS.

Ang mga inaresto sa bisa ng warrants of arrest ay kinilalang sina .Jeffrey Cruz, para sa paglabag sa R.A. 9262 Service of Sentence sa Brgy. Pagala, Baliuag; Edward Alban, sa kasong Frustrated Murder, Direct Assault, and Resistance to Authority in Northville 3 Brgy. Bayugo, Meycauayan City,; at Alvin Manuel, sa krimeng Attempted Murder sa San Miguel, Bulacan.

Samantala, sa magkahiwalay na buy-bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement ng Malolos at Meycauayan CPS, ay arestado ang apat na indibiduwal na sangkot sa droga.

Kinilala ang mga ito na sina Jalil Mistar alyas Jalil, Jonie Pintac, Arnold Bandino alyas Nano, Rolito Ragos alyas Itong, at Herbert Tiberio alyas Bert. 

Inaresto sila sa pagtutulak ng iligal na droga at nakumpiska sa kanila ang 16 pakete ng plastic ng pinaghihinalaang shabu, assorted drug paraphernalia, at buy-bust money.

Sa inilatag namang anti-illegal gambling operations ng mga tauhan ng Guiguinto MPS ay arestado ang dalawang illegal gamblers na kinilalang sina Lei Perr Gonzales at Carlos Cervantez. 

Naaktuhan sila habang  nagsusugal ng tongits at nasamsam sa kanila ang isang set ng playing cards at bet money sa iba’t-ibang denominasyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …