Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Sa  Porac, Pampanga
MAHIGIT PHP350K HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA, 3 TULAK ARESTADO

May 52 gramo ng  shabu na halagang Php353,600.00 ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang anti-illegal drug operation (buy-bust) sa Porac, Pampanga.

Ang mga operatiba ng Pampanga Provincial Drug Enforcement Unit ang naglunsad ng buy bust operation sa  Brgy. Señora, Porac na nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong  tulak ng iligal na droga.

Kinilala ang mga ito na sina  Jeric Castro y Manalo, high value individual; Jackielyn Catap y Pineda alyas Chiqui, kapuwa residente ng Brgy. Sta. Cruz, Porac, at Myco Santos y Pineda, alyas Putut, residente ng Brgy. Señora, Porac.

Nakumpiska rin ng mga operatiba sa ikinasang operasyon ang Php 500 bill marked money at mobile phone na ginagamit ng mga suspek sa pagtutulak..

Kasong kriminal laban sa mga suspek na paglabag sa RA 9165 ang kasalukuyang inihahanda para isampa sa korte.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …