Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Rhea Tan Beautéderm

Marian may teleserye at movie na, may bago pang endorsement

MATABIL
ni John Fontanilla

SOBRANG excited sa pagbabalik-pelikula at teleserye ang Primetime Queen ng GMA 7 at face of BlancPro na si  Marian Rivera.

Dalawa sa proyektong gagawin ni Marian ang teleserye sa GMA-7 with Gabby Concepcion at ang reunion movie nila ng asawang si Dingdong Dantes under Star Cinema na magsisilbing kauna-unahang movie nito sa nasabing film outfit.

Limang taon ding hindi gumawa ng teleserye at pelikula si Marian at mas nag-focus muna sa kanyang pamilya.

Kuwento nga ni Marian sa mediacon ng BlancPro na siyang ambassador, “Actually, ‘yung sa soap, very excited kasi ang tagal na nito. Parang dapat last last month pa kami mag-start, so may mga inayos lang na kaunti.

“Gusto ko, kapag gumawa ako ng proyeko, pwedeng panoorin ng mga anak ko at magiging proud ako. So, ito ‘yung isa sa mga proyekto na ‘yun,” ani Marian. 

At sa muling pagsasama naman nila ng kanyang asawa sa pelikula at sabay sa paggawa niya ng teleserye ay hindi nito alam kung paano niya hahatiin ang kanyang katawan.

‘Yun nga lang biro niya, “hindi ko lang alam kung paano ko hatiin ang sarili ko.”

At sa tuwing magkakaroon ito ng trabaho ay as early as one month, sinasabi na niya sa kanyang mga anak na sina Zia at Sixto.

“Open ang communication ko sa kids at kahit bata pa sila, ine-explain ko na sa kanila, ‘eto ang gagawin ni Mama, ‘eto ‘yung times na wala si Mama, o ‘eto ‘yung times na free si Mama, masasamahan ko, makakapasyal tayo.’

“So, I’m very open to my kids especially to Zia. Si Zia kasi, medyo mature na talaga mag-isip, naiintindihan na niya. So, ‘pag wala ako, sasabihin ko sa kanya, ‘bahala ka na sa kapatid mo, ha? Ikaw ang tatayong Mama ni Sixto kapag wala si Mama.’ 

Four months lang, and then, after go back na ulit kami. Back to routine na ulit ako sa kanila sa school,” paliwanag ni Marian. 

Collaboration nina Marian at Ms Rei ang BlancPro at matagal nang gustong kunin ng huli ang aktres para maging endorser ng skin care, kaya naman sobrang happy nito nang mapa-oo at maging face ng BlancPro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Odette Khan ‘di nagpatinag sa muling pagganap bilang Justice Hernandez

HARD TALKni Pilar Mateo KUNG may isang pelikulang aabangan ngayong Pasko na kasali sa walong …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …