MA at PA
ni Rommel Placente
NAGPIYANSA ng P6K, kaya nakalaya na si Awra Briguela noong Sabado ng gabi, makalipas ang tatlong araw at dalawang gabi na pamamalagi sa Makati Custodial Jail.
Physical injuries, alarm and scandal, resisting arrest at disobedience to person in authority ang mga reklamo laban kay Awra ng complainant na si Mark Christian Ravana at ng Makati Police dahil sa insidente na nangyari noong Huwebes ng madaling araw, June 29, sa Bolt Hole bar sa Poblacion, Makati City.
Tumanggi si Awra na magpa-interbyu sa mga miyembro ng media na nag-abang sa kanyang paglabas mula sa Makati Custodial Jail.