Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TVJ Sharon Cuneta

TVJ, It’s Showtime bakbakan sa tanghali

ni Allan Sancon

TUMUTOK ang sambayanang Filipino lalo na ang madlang pipol at mga dabarkads sa pasabog na opening number ng inaabangang noontime show na It’s Showtime sa GTv at wala pang permanenteng title ng TVJ sa TV5kaninang tanghali. 

Talagang pinaghandaan ng It’s Showtime ang kanilang opening number dahil bukod sa  performances ng bawat host at ilang Kapamilya stars ay ikinagulat ng lahat ang production number kasama ang ilang mga kapuso stars. Nakikanta si Pokwang kina Jolina Magdangal at Chang Amy Perez. Gayundin naman si  Mark Bautista na nakipag-trio naman kina Jugs at Teddy. Nakipag-sayaw naman sina Rayver at Rodjun Cruz kina Vhong Navarro at Jhong Hilario. Nakatutuwa namang makitang nakipag-dance showdown si Barbie Forteza kina Belle Mariano at Alexa Ilacad. Hindi naman nagpatalo ng sayaw si Sanya Lopez kay “Ate Girl” Jackie at Chie Filomena. Isa sa pasabog ng It’s Showtime ay pagkanta si Anne Curtis at ang pagsakay sa helicopter ni Vice Ganda mula sa helipad ng ABS-CBN papunta sa helipad ng GMA Network para mag-perform doon kasama ang mga empleado ng GMA.

Na-excite rin ang mga manonood  sa opening number ng  legit dabarkads at ng TVJ dahil bago ang kanilang production number ay legit na ipinakita sa simula ang paglilipat-bahay ng mga host bitbit ang kanilang mga gamit papunta sa TV5 Studio. Kitang-kita ang pagiging emosyonal nina Tito, Vic, at Joey habang pumapasok sa studio. Simple lang ang production number ng mga host dahil bukod sa solo spot song number ng legit dabarkads at trio song ng TVJ ay sabay-sabay nilang kinanta ang themesong ng Eat Bulaga na Mula Batanes…Hanggang Jolo, pero hindi nila binanggit ang salitang ‘Eat Bulaga’ bagkus ay ini-spell out lang ang ‘E.A.T.’ Spotted sa audience ang mga asawa at anak ng TVJ na si Eileen Macapagal at Pauleen Luna na parehong nag-iiyakan. Present din sina Mayor Vico Sotto, Danica, Oyo Boy, at Kristine Hermosa. Special guest nila ang Mega Star na si Sharon Cuneta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …