Isang lalaki na na wanted para sa kasong murder at nakatala bilang isa sa Most Wanted Person ng Camarines Sur ang arestado ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation sa Arayat, Pampanga nitong nakaraang Miyerkules, Hunyo 28.
Kinilala ni PRO3 Director PBGeneral Jose S Hidalgo Jr , ang akusado na si Leo Villamor y Camacho alyas “Leo”, 43, residente ng Brgy. Telapayong, Arayat, Pampanga, na arestado ng magkasanib na mga operatiba ng Arayat MPS, 303rd MC RMFB3 at Siruma MPS ng Camarines Sur PPO sa kanyang bahay.
Si Villamor ay may standing alias Warrant of Arrest para sa kasong Murder under Criminal Case no. 03-765 na inisyu ni Judge Freddie D. Balonzo, Presiding Judge, Regional Trial Court, 5th Judicial Region, Branch 63, Calabanga, Camarines Sur na walang itinakdang piyansa.
Ang akusado, matapos isagawa ang krimen sa Camarines Sur ay nagtago sa loob ng 21 taon bago siya naaresto ng mga awtoridad sa Pampanga.(Micka Bautista)