Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristine Reyes Marco Gumabao

Marco perfect boyfriend para kay Cristine

HINDI nakaligtas sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na umamin at mabuking ukol sa kanilang lovelife nang sumalang sila sa YouTube vlog ni Bea Alonzo kamakailan.

Sa pakikipaghuntahan nina Cristine ay Marco kay Bea, nalaman naming mas bata pala sa kanya ang aktor.

Si Cristine ay 34 taong gulang na (na hindi halata sa hitsura) at si Marco ay 28 taong gulang pa lamang.

Nasabi kasi ni Cristine na first time niyang magkaroon ng karelasyong mas bata sa kanya.

At kahit six years ang agwat ng edad nila ng binata ay mature naman ang pag-iisip nito at mga pananaw sa buhay na isa sa mga nagustuhan niyang quality ng aktor.

Ani Cristine, perfect boyfriend sa kanya si Marco.

Parang perfect boyfriend ito, eh. Kasi si Marco, naiintindihan niya lahat. Parang hindi ako makapaniwala at his age.

“Super cute talaga. Tisoy, type ko, pero bagets. So ako, hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon. Talagang ang cute niya, bye!” pag-amin ni AA (tawag kay Cristine).

Pagbabahagi ni Cristine, nagsimulang makaramdam siya ng kakaiba kay Marco nang magpunta sila sa Ilocos at mag-lock-in shoot para sa pelikulang Martyr or Murderer.

May mga ipina-plant siyang seeds through the years. Lagi lang kaming nagtatagpo, like random places, family affairs, friends affairs, showbiz affairs.

So, ang daming chance talaga na lagi kaming nagtatagpo. Pero late last year, Jake Cuenca, kaming tatlo, bonding kami (sa gym). Until si Jake, nag-lock-in sa Cebu.

“Kaming dalawa ni Marco, kami na lang ‘yung nag-workout. I think nagkaroon ako ng attraction kay Marco, siguro ‘yung Ilocos. Naka-lock-in kami roon,” kuwento ni Cristine.

Hindi naman pala ito ang unang pagkakataon na nakipag-date si Marco sa mas may edad sa kanya. Aniya,  “Siguro, nasa mga two years lang (agwat ng edad), ito na ‘yung pinakaano na…pero ‘yung mga five years and above, wala pa.”

At inamin ni Marco na dati na niyang crush si Cristine. Katunayan kapag natatanong siya kung sino ang female celebrity crush niya, ang palagi niyang binabanggit ay ang pangalan ni Cristine.

Hindi naman ikinaila ni Cristine na masaya siya ngayon sa piling ni Marco, “Ako, I’m happy with our relationship. Kasi wala tayong inagrabiyado and alam mo ‘yon, doon magpo-flow ‘yung blessing ni God.”

Nagpakilig pa ang dalawa nang si Marco mismo ang nagtanong kay Cristine ng, “Do you see me as someone you will spend the rest of your life with?” Na sinagot ng aktres ng, “Puwede, yes.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …