Monday , December 23 2024
Carla Abellana

Carla Abellana mas feel pang kasama ang hayop kaysa tao

ni Allan Sancon

NANAWAGAN si Carla Abellana sa mga kapwa niya artista  at mga film maker na ‘wag saktan at gawing props ang mga hayop sa paggawa ng pelikula at teleserye. Katwiran ng aktres, minamahal, inaalagaan, at hindi sinasaktan ang mga hayop.

Si Carla ang bagong endorser at advocates ng Philippine  Animal Welfare Society (PAWS) 

Pabiro tuloy namin siyang natanong kung mas masarap bang magmahal ang hayop kaysa tao?

Ay! Ang aso, mas mahal ko po ang mga hayop kaysa tao, totoo po ‘yan at hindi ako hesitant or nahihiyang sabihin ‘yan. Mas mahal ko po ang hayop kaysa tao, because they do not judge, they do not hurt you, hindi sila nagagalit, they love you unconditionally kahit pa sinaktan mo sila or binigo mo sila, walang ganoon. 

“Kaya mas madali at mas masarap magmahal ang hayop, hindi ‘yung hayop na tao kundi ‘yung totoong animal ha,” paliwanag ni Carla.

Kitang-kita ang saya ni Carla habang kausap namin at willing sagutin ang mga tanong tungkol sa masalimuot na nangyari sa kanyang buhay-pag-ibig, kaya natanong namin kung ready na ba siyang magmahal muli?

Oh my God! Sa ngayon parang hindi po, kasi I have a lot on my plate, ‘yung aking bagong bahay, of course ‘yung career ko. Parang gusto kong ibuhos lahat ng attention at time ko roon. 

“Parang mas gusto kong magbigay ng buhay para sa career ko, at saka sa dami ng responsibilty ko medyo mahirap na po siya,” sambit pa ng aktres.

Pero paano kaya kung dumating ‘yung tamang tao para sa kanya, bubuksan niya ba ang puso niya para sa taong ito?

Hindi ko po siya pipilitin, hindi ko siya hahanapin pero kung dumating, ‘di tingnan po natin.”

If ever dumating ‘yung tao na ‘yun anong characteristic ba ang hinahanap niya sa taong mamahalin niya?

Oh my God! Basta mabait, basta totoo, honest at saka ‘yung maalaga.”

Anong maipapayo ni Carla sa mga gusto pang mag-asawa?

Naku ayaw ko na po mag-asawa. Pero ang advise ko sa kanila huwag po nila pababayaan ang sarili nila. From time to time mag-refect sila kung masaya ba sila o labag po ba sa loob nila ang mga bagay-bagay. Kung sobra-sobra na ba ‘yung pagbibigay nila.”

Malapit nang lumipat si Carla sa ipinatayo nitong bahay. “Siguro this end of June sana makalipat na ako. Medyo masakit sa bulsa ang pagpapagawa ng bahay ko pero worth it naman.”

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …