Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Harlene Budol Hipon Girl

Herlene pinatitigil na ng netizens pagsali sa beauty pageants

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI makasagot ng tama si Herlene Budol sa tanong na ibinigay sa kanya sa Miss Grand Philippines 2023sashing ceremony, at press conference noong Martes, June 20, 2023.

Kaya naman na-bash tuloy siya nang husto. At ayon sa mga netizen, tumigil na raw sana ang dalaga sa pagsali sa mga beauty pageants dahil hindi naman daw siya matalino. Nahihirapan lang siya sa question and answer portion.

Sa kanyang Facebook post noong gabi ng June 20, inamin ni Herlene na hindi niya naintindihan ang tanong kaya hindi niya naipaliwanag nang maayos ang kanyang sagot.

Nilinaw din ni Herlene na hindi niya nilaro ang kanyang kasagutan taliwas sa akusasyong dinogshow niya ang Q&A portion ng press presentation.

Post ni Herlene, publish at is, “Sa sobrang kaba ko po Hindi kopo naexplain yung kung Anong gusto kopong sabihin sorry I admit di po ako magaling Sa lahat ng bagay and sorry kung nawalan po kayo sakin ng kumpyansa

“Sa isang pag kakamali I’ll try my best to make you proud. Hindi ko po nilaro diko lang po talaga na gets yung tanong and I accept it

“Hindi po ako perpekto. Thankyou for those people na naniniwala padin po saakin.”

Sa kanyang Facebook post naman noong Miyerkoles ng gabi, June 21, nangako si Herlene na pagbubutihin pa niya ang kanyang mga gagawing hakbang sa susunod na challenges sa Miss Grand Philippines 2023.

Magti-train na raw siya ulit sa kanyang speech coach.

Sabi niya, “Naiyak ako nung makita ko etong headshot pic sa Miss Grand Philippines. Pangako pagbubutihin ko at sisimulan ko uli mag pa train sa speech coach ko kay @geography101 / Ryan Soto.

“Walang susuko sa pamilyang eto. Never Give up! Gising Herlene! its not too late! Everyday is a learning process.

“Thank you sa inyong lahat mga KaSquammy ko na andyan parin kayo para sa akin at yung taong nag tiwala at binigyan ako ng opportunity Sir Wilbert Tolentino / Wilbert Tolentino @sirwil75.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …