Friday , November 15 2024
Maimbung, Sulu

Arrest, search warrants  
EX-MAYOR PUMALAG, SUNDALO, 3 PULIS SUGATAN

SUGATAN ang tatlong pulis at isang sundalo nang pagbabarilin ng mga tauhan ng isang dating alkalde sa bayan ng Maimbung, lalawigan ng Sulu, nang ihain ang mga warrant of arrest laban sa politiko nitong Sabado ng umaga, 24 Hunyo.

Ayon kay Maj. Andrew Linao, tagapagsalita ng PA Western Mindanao Command, nagsanib-puwersa ang pulisya at sundalo upang hainan ng search at arrest warrants si dating Maimbung mayor Pando Mudjasan, wanted dahil sa pagkakasangkot sa ilang kaso ng pagpatay

Ani Linao, habang papalapit ang mga awtoridad sa bisinidad, pinagbabaril sila ng mga tauhan ng dating alkalde.

Nabatid na kinakaharap ni Mudjasan mga kasong frustrated murder; double murder; multiple murder; at ilegal na pag-iingat ng mga baril at pampasabog.

Kinilala ang apat na sugatan sa panig ng gobyerno na sina Capt. Ergie Wanawan, P/SSgt. Julakbar Jahani, P/SSgt. Jadier Alfad, at P/Cpl. Alnadzmie Sahiran.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …