Muling umiskor ang kapulisan sa Bulacan nang maaresto ang 17 law violators sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa krimen sa lalawigan kamakalawa.
Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, kabilang sa 17 indibiduwal na naaresto ay ang apat na tulak na nakatala sa PNP/PDEA drugs watchlist.
Kinilala ang mga ito na sina Christina Baguio, Molly Jordan at Patricia Ann Candelario na naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Norzagaray MPS Drug Enforcement Unit, si Marjorie Pile na arestado ng San Miguel MPS drug operatives at Juanito Mustangco na nasakote ng Bocaue MPS.
Ang isinagawang Intel driven police operations ay nagresulta sa pagkakumpiska sa mga suspek ng 17 pakete ng plastic ng shabu.
Ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya habang inihahanda na ang pagsasampa sa kanila ng kasong paglabag sa RA 9165.
Sa pinatindi ring kampanya ng Bulacan PNP laban sa mga wanted persons ay natunton at naaresto ang sampung indibiduwal na may warrant of arrest mula sa korte.
Ang tracker team ng Meycauayan CPS ay inaresto sina Mark Anthony Serrano at Edwin Zuñiga sa paglabag sa RIR in Physical Injuries at Estafa.
Sa kampanya naman laban sa mga iligal na sugalan, ang Paombong MPS ay arestado si Marlyn Santos at Reynaldo Ignacio sa Brgy., San isidro 1, Paombong, Bulacan matapos maaktuhan sa pagsusugal.
Ang dalawang suspek ay isinailalim sa kustodiya ng Paombong MPS habang inihahanda na ang pagsasampa sa kanila ng kasong paglabag sa PD 1602.(Micka Bautista)