Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
30 LAW VIOLATORS NAI-HOYO SA MAGDAMAG NA POLICE OPNS

Diretso sa selda ang 30 law violators sa isinagawang magdamag na police operations sa Bulacan hanggang kahapon ng umaga, Hunyo 22.

Iniulat ni PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, na sa loob ng 24-oras, ang Bulacan police ay arestado ang 39 drug peddlers, users, at wanted persons. 

Kabilang sa naaresto ay ang Top Most Wanted ng Makilala police, North Cotabato at ranked 9 sa lalawigan ng Cotabato. 

Ang tracker team ng Meycauayan CPS katuwang ang mga tauhan mula sa  Makilala PNP ay inaresto si Lyod Parilla sa Brgy.Pajo, Meycauayan City sa paglabag sa RA 7610 o ang Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. 

Ang akusado ay kasalukuyang nakadetine sa Meycauayan CPS para sa nararapat na disposisyon bago ibalik sa korte kung saan naganap ang krimen.

Arestado rin ng mga tauhan ng Meycauayan CPS si Nilo Calimutan para sa kasong  RIR in Damage to Property at Slight and Multiple Serious Physical Injuries. 

Samantalang ang tracker team ng Bulacan 1st PMFC ay natunton at naaresto ang tatlong indibiduwal na may warrants of arrest para sa mga kasong qualified rape, paglabag sa RA 7610 at RIR Damage to Property. 

Arestado rin ng mga tauhan ng DRT MPS si Leonardo Sarmiento at Richard Cruz sa bisa ng warrants na inilabas ng korte para sa kasong Unjust Vexation, habang ang tracker team ng Bocaue MPS ay naaresto si  Christopher Ian De Leon sa Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan para sa krimeng Murder na walang piyansa at ang Bulakan MPS ay arestado si Pascualito Carpio sa Barangay Bagumbayan, Bulakan, Bulacan sa kasong Estafa.

Sa inilatag namang Intel driven police operations laban sa iligal na droga ay arestado ang 16 na  drug peddlers at users na nagresulta sa pagkakumpiska ng kabuuang 55 selyadong pakete ng plastic ng  shabu at Php 38, 000.00 halaga ng marijuana. 

Dinakma ng Marilao PNP intel operatives ang dalawang indibiduwal na na nasa PNP/PDEA watchlisted sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan. 

Ang mga naaresto ay sina Crisanto Espiritu at Conrado Gonzales at pagkakumpiska ng Php 38,000.00 halaga ng marijuana. 

Gayundin, ang mga tauhan ng Baliwag CPS at Angat MPS ay arestado ang street level individuals sa PNP/PDEA watch list sa magkahiwalay na buy bust operations, na kinilalang sina Ricky Rustia, sa Brgy Poblacion, Baliwag, Bulacan at Rozano Pascual sa Brgy. San Roque, Angat, Bulacan. 

Sa kabilang banda, ang Bulacan Provincial Drug Enforcement Unit ay nagkasa ng magkahiwalay na buybust operations na nagresulta sa pagkaaresto nina Joy Venancio sa Baliuag City at Medardo Perez sa Marilao, Bulacan. 

Sa iba pang buy bust operations ay nagresulta sa pagkaaresto ng sampu pang drug peddlers na ikinasa ng Guiguinto, Bustos, San Jose del Monte, at Mecauayan C/MPS drug enforcement units.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …