Sunday , December 22 2024

People’s initiative or Binay initiative?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

ISANG petition letter pala ang kumakalat ngayon sa Enlisted Men Barrio (Embo) Barangay sa Makati City na hinihimok ang mga residenteng lumagda sa isang petisyon na nanghihikayat iakyat ang usapin ng Makati-Taguig territorial dispute sa Kongreso.

         Dagdag proseso na naman ‘yan!

Nakapaloob sa isang pahinang petition letter, may kapangyarihan umano ang Kongreso na magtakda ng referendum o people’s initiative sa ilalim ng 1987 Constitution, layunin ng petisyon na mangalap ng sapat na pirma para pakinggan ang petisyon ng mga mambabatas.

Ibig sabihin ba nito ay mabibinbin ang desisyon ng Korte Suprema sa land dispute ng Makati at Taguig?

Walang nakalagay na pangalan kung sino ang namuno sa ipinakakalat na petisyon maliban lamang sa “Mamamayan ng Makati.”

Nakasaad dito, ang paghingi ng saklolo sa Kongreso ng mga residente ay magiging “last recourse” matapos magpalabas ng pinal na desisyon ang Korte Suprema na nagtatakdang ang 10 Embo barangays kabilang ang Bonifacio Global City ay nasa hurisdiksiyon ng Taguig City.

“Dumating sa aming buhay na sa utos ng Korte Suprema na sinasabing ang EMBO ay sakop ng Taguig na labis na nagdulot sa aming ng kalituhan at kulungkutan; KUNG KAYA’T sa pamamagitan nito ay magalang na hinihiling sa pamamagitan ni CONG. KID PEÑA at CONG. LUIS CAMPOS ang pagkakaroon ng REFEREDUM batay sa PEOPLES INITIATIVE CLAUSE ng 1987 CONSTITUTION,” nakasaad sa petisyon.

Ikinatuwiran sa petisyon, minsan nang kinilala ng Kongreso ang pagiging lehitimo ng Embo nang isabatas nito ang pagkakaroon ng ikalawang distrito ng Makati kaya naman ito rin ang magreresolba sa Taguig-Makati territorial land dispute.

Pero hindi lahat ng Makatizens ay ganyan ang sentimiyento.

Dahil ang lumabas na signature drive ay kabaligtaran sa tunay na sentimiyento at sa natanggap ng ilang opisyal ng pamahalaang lungsod ng Taguig na liham mula sa mga residente ng Makati na humihiling na bilisan ng lungsod ang gagawing transition.

Tumanggi ang mga opisyal ng Taguig na isapubliko ang pangalan ng grupo ng mga residente sa Makati para na rin sa kanilang proteksiyon, anila, sa nasabing liham ay ikinuwento ng ilang residente ang sitwasyon sa kanilang barangay na ang mga hayagang nagpapakita ng kanilang suporta sa Taguig ay sapilitang pinagbibitiw sa trabaho.

“Other employees were forced to make a letter addressed to Malacañang that they don’t like Taguig. If they do not submit, they cannot get their midyear bonus. The same things are being imposed on some private citizens especially those with businesses.”

Ayon sa mga residente, nais nilang makawala sa kaguluhan na nangyayari dahil sa awayan.

“Please extend the needed hope for our constituents who only want to be free from suppression and cruelty that has been a result of the family feud of the Binay siblings. Our people only want to have a decent life and work,” nakasaad sa liham.

Totoo ba ang sinabi ng mga residente na ang nasa likod ng mga negatibo at paninira sa Taguig ay mismong mga barangay officials na pawang appointed o nasa holdover position?

“They are not doing service to the people, instead they are busy suppressing and twisting the mindset of the people on the issue of Taguig vs Makati,” ayon pa sa mga residente.

Ang 30-taong territorial dispute ng Makati at Taguig ay nadesisyonan na ng Korte Suprema, iniutos nito na ang BGC at Embo barangays ay sakop ng Taguig at inutos din nito ang agarang implementasyon ng kautusan.

         Hay, kawawa naman ang mga apektadong mamamayan!

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …