Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Nailandia Noreen Divina Juncynth Divina Mike Tuviera 

Marian napaka-epektibong endorser — Noreen ng Nailandia

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SIYAM na taong celebrity endorser ng Nailandia si Marian Rivera dahil sobrang epektibo nitong endorser.

Ayon sa may-ari ng Nailandia na si Noreen Divina, nakilala nang husto ang kanyang nail salon at foot spa chain na pag-aari nila ng mister niyang si Juncynth Divina nang maging endorser nila si Marian simula noong 2014.

Napakabait ni Marian,” ani Noreen.

To think na nandoon na siya sa stature na Marian Rivera, ‘di ba? Napakabait.

“Parang, ‘Totoo ba ‘to? Artista ba ‘to? Superstar ba ‘to?

“Ambait-bait niya, napaka-down-to-earth.

“At napakaganda! 

“At noong na-meet ko siya may show siya sa GMA, ‘yung ‘Marian,’ ay naku, naka-tank top, dyusko ganyan lang ‘yung waist, napakaliit, grabe!”

Host si Marian noong 2014 ng kanyang sariling musical variety show sa GMA, ang Marian.

Masaya si Noreen na tumagal ng siyam na taon ang samahan nila ni Marian, hindi lamang bilang negosyante at endorser, kundi bilang magkaibigan.

Actually ‘yung relationship namin ni Marian, hindi na more on business.”

At ilang beses niyang napatunayan ang kabaitan at pagiging totoong tao ni Marian, lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

“Our business relationship has transcended into a strong and deep friendship,” nakangiting wika pa ni Noreen. 

Iginiit pa kay Noreen na napaka-epektibong endorser ni Marian.

Nakilala nang husto ang Nailandia dahil sa kanya, napaka-effective niyang endorser, wala akong masabi. And kasi naman ‘di ba, sa fans pa lang niya, sobra, grabe!

‘Tapos napaka-perfect niyang role model, good wife, good mother, good daughter, good apo, good friend, ideal na celebrity, walang bisyo, malinis ang image.

 “Complete package!” 

At noong May 26, muling nag-renew ng kontrata si Marian bilang nag-iisang celebrity endorser ng Nailandia nail salon and foot spa sa ikasiyam na taon.

Present sa renewal si Mike Tuviera ng Triple A (All Access to Artists, Inc.) management na siyang nangangalaga sa career ng aktres at ang mag-asawang Noreen at Juncynth.

Naibahagi rin ni Noreen na wala na silang balak kumuha pa ng ibang female endorser.

Marian Rivera is Marian Rivera, siya lang sapat na, actually sobra pa! Napakalakas ng hatak niya sa tao.” 

At siya mismo ang nagtatangkilik ng Nailandia, talagang pumupunta siya, dinadala niya ‘yung mommy niya, ‘yung lola niya.

“Nagpapa-spa party siya sa mga kaibigan niya. At may advocacy siya tungkol sa mga single mother, pina-spa party niya.” 

Sinabi pa ni Noreen na, “Nailandia is coming up with something very big before the year ends, for the public! Something very exciting. 

“Because Nailandia is blessed with so much, so we are giving back to the people just the same.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …