Wednesday , December 25 2024

Makatizens hati:
Ilang residente pabor mailipat sa Taguig, desisyon ng Korte Suprema irespeto

YANIG
ni Bong Ramos

PABOR ang ilang residente ng Makati City na mailipat ang kanilang address at maging Taguigeño bilang pagrespeto sa pinal na desisyon ng Korte Suprema na nagtatakda na ang lokal na pamahalaan ang may territorial jurisdiction sa 729 ektaryang Fort Bonifacio Military Reservation kabilang ang Bonifacio Global City (BGC) at ang “embo barangays.”

Bilib tayo sa survey ng Boses ng Kalye Serye na isinagawa ng Rappler.com, tinanong nila ang ilang Makatizens (Makati residents) kung ano ang sentimiyento na ililipat na ang kanilang address kasunod ng naging kautusan ng Korte Suprema.

Dito makikita natin ang damdamin ng mga residente at ilan sa mga may edad na nakapanayam ng Rappler Reporter na si Ryan Macasero, sina Josefina Pasual at Arlene Olivia ay kapwa nagsabi na ipinanganak na sila sa Makati at doon din mamamatay, tinuran nila ang nakukuhang benepisyo ng mga seniors sa lungsod.

Para sa nagtitinda na si Michael Paredes pabor ang kanyang pamilya na mailipat ng Taguig.

         “Ok lang sa amin para mabago ‘yung mga political ng iba. Lalo sa amin na nagnenegosyo mahirap, mahirap lalo na kung kumukuha ng permit,” pahayag ni Paredes.

Sa tanong ni Macasero ukol sa magandang benepisyo na nakukuha sa Makati ang dahilan ng iba kaya ayaw lumipat ng Taguig, inamin ni Paredes na hindi naman lahat ay nakatatanggap.

“Hindi naman, hindi naman, sila na malalapit sa sandok na tinatawag natatakot sila kasi mawawalan na sila lalo ‘yung nakadikit sa administrasyon ng Makati pero sa amin na ordinary citizen lang ay ok lang sa amin, pabor kami doon para mabago ang administrasyon ng barangay namin. Nakikinabang lang ay ‘yung politiko lang din na nakasasakop sa amin paano kami na tindero lang ‘di naman kami nakatatanagap ng ganoong benepisyo. Gaya ng yellow card, kailangan botante ka bago ka mabigyan ng card, utos naman ‘yan na kapag health ay dapat para sa lahat, pero dito pinipili,” pahayag ni Paredes.

Gayondin ang pahayag ng kapwa negosyante na si Alicia Esguerra, aniya, 1982 pa siya residente ng Makati, malungkot na mailipat sila ng Taguig dahil sa nakasanayan na pero nagdesisyon na ang Korte Suprema kaya dapat sundin ng lahat.

“Pagdating sa benefits na nakukuha namin sa Makati ay naniniwala ako na pagdating ng araw ay makukuha din namin sa Taguig, ang request lang namin sa Mayor ng Taguig ay kung ano ang ginagawa ng Makati ay gawin nila,” paliwanag ni Esguerra.

Para sa driver na si Margarito Solis mainam din na masubukan ang pamamahala ng Taguig kaya pabor siyang na maging Taguigeño.

Nagugulohan at ninenerbiyos naman si Marian Turla dahil sa pagbabago, gaya ng ID, address, at benepisyo.

Isa sa alalahanin ng estudyante na si Clarenz Acosta ng University of Makati sa paglilipat nila sa Taguig ay ang mga benepisyong natatanggap, una na rito ang yellow card.

“‘Yung mama ko kasi may frequent check-up sa OSMAK, hindi namin alam kung may trusted medical institution din sa Taguig,” ani Acosta, bukod pa sa malaking bagay ang nakukuhang pamaskong handog at school supplies sa Makati na hindi nila alam kung mayroon din sa lilipatang siyudad.

Noong 3 Abril, ipinalabas ng SC ang final and executory decision sa 30-taong boundary dispute sa pagitan ng dalawang LGU, mas binigyang bigat ng hukuman ang historical, documentary, at testimonial evidence na iprenisinta ng Taguig.

Nagkaroon ng Entry of Judgment sa kaso at base sa court rules, ang desisyon ng kaso na naipasok na sa SC-Book of Entries of Judgements ay hindi na maaaring iapela o irebisa.

Tsk tsk tsk.

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …