ni Allan Sancon
IPINAGMAMALAKI ni Piolo Pascual sa media conference ng Mallari ang kwintas na iniregalo sa kanya ng anak na si Iñigo Pascual bilang father’s gift sa kanya ng anak.
Nanood si Iñigo ng musical stage play niyang Ibarra at magkasama silang nag-celebrate ng Father’s Day noong Linggo.
Very proud si Piolo sa narating ng kanyang anak at succes sa showbiz at gumagawa na ito ng sariling pangalan hindi lang dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa.
“I’m so proud of him, that he’s doing well in his career not just here but abroad. Sabi ko nga sa kanya ako na ang mag-produce ng kanyang album dahil ang gaganda ng mga na-compose niyang kanta,” pagbabahagi ni Piolo.
May nakaplano ring project para sa kanilang dalawa.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawa ng isang intense horror film si Piolo at gagampanan niya ang role ng 1st Filipino serial killer priest na si Fr. Severino Mallari. Tinanggap ni Piolo ang role na ito dahil nagustuhan niya ang script ng pelikula at very challenging ang kanyang magiging role.
Ikinuwento ng presidente at producer ng Mentorque Productions na si John Bryan Diamante na minsang tinanggihan ni Piolo ang proyektong Mallari dahil sa busy schedule nito pero dahil naniniwala siya na para talaga sa aktor ang project kaya hinintay nila ito para tanggapin ang project.
Balak ipasok ni Bryan ang pelikulang ito sa Metro Manila Film Festival at iba pang International filmfest.
Tiyak aabangan ang pelikulang Mallari sa mga sinehan dahil marami ang curious kung ano ba talaga ang tunay na istorya kung bakit pumapatay ang isang pari. This is directed by the award winning diretor Derick Cabrido.