Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Divorce sa iresponsableng tatay

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

Hinihikayat ni dating House Speaker at 1st District Rep. ng Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez sa mga kasamahang mambabatas  sa Kamara na aprobahan na ang panukalang divorce sa bansa at iminungkahi na hindi na dapat magsama bilang mag-asawa ang mga partners na naglaho na ang pagmamahal sa isa’t isa dahil sa posibleng hahantong sa madalas na pag-aaway at delikadong umabot ang mainitang pagtatalo sa madugong argumento.

Si Alvarez, nagpanukala sa Kongreso ng divorce bill, ay mahigpit ang kagustuhan na maipasa sa Kamara ang nabanggit na bill, dahil marami umanong reklamo ng insidente ng VAWC na kadalasan ay pambubugbog at pangangaliwa ng mga mister sa kanilang mga misis at kadalasan mga anak ang nagpapasan ng sakripisyo sa problema ng kanilang mga magulang.

Opinyon ng mga misis na iniwanan ng mga mister, mas mainam na may diborsiyo sa Filipinas sakaling hindi na talaga puwede pang magsama ang isang mag-asawa ay mas makatutulong ito sa isang pagsasama na wala ng pagmamahalan sa loob ng tahanan.

Korek na korek ‘yan mga ‘igan, bakit ka magtitiyaga sa isang relasyon kung ang partner mo ay wala nang respeto bilang asawa.

SI EX-PRIME MINISTER CESAR E.A. VIRATA

Almost 92 turning 93 years old, malakas pa at nakapaghatid pa ng kanyang mensahe sa isinagawang reunion ng “One Virata Clan” noong nakalipas na araw ng Linggo, sa Hennara Resort sa Silang, Cavite.

Dinalohan ng mga miyembro ng VIRATA CLAN ang nasabing okasyon na nagmula sa iba’t ibang lugar maging sa ibang bansa. Hindi sa pagyayabang mga ‘igan, lolo namin si ex-Prime Minister kaya naman ang buong pamilya ko ay dumadalo sa lahat ng isinasagawang reunion ng Virata Clan.

Isa lang ang ugaling namana ko sa mga Virata, hindi mapagsamantalang tao at dedikasyon sa kanyang trabaho, ‘yan ang Virata clan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …