Sunday , April 27 2025
sea dagat

2 Turkish nationals nasagip sa sumabog na yate

LUCENA CITY – Dalawang Turkish nationals ang nailigtas nang masunog at sumabog ang kanilang sinasakyang yate sa bayan ng Nasugbu, sa lalawigan ng Batangas nitong Biyernes, 16 Hunyo.

Sa ulat ng Batangas police nitong Sabado, 17 Hunyo, nabatid na sina Erdinc Turerer, 62 anyos, at Ergel Abdulla, 40, ay naglalayag sakay ng kanilang yate

nang hampasin ng malakas na alon sa lokasyon ng Limbones island sa Barangay Papaya dakong 3 am.

         Dahil sa walang tigil na pag-uga ng yate tumapon ang nakaimbak na gasolina sa engine room na agad ‘hinalikan’ ng apoy hanggang magkaroon ng pagsabog.

         Agad nakalundag palabas sa yate ang dalawang biktima bago tuluyang sumabog ang sasakyan, ayon sa pulisya.

Nasagip si Turerer ng mga mangingisda habang si Abdulla ay nailigtas ng isa pang mangingisda sa hiwalay na lokasyon.

Napinsala si Turerer ng first-degree burns sa hita at kanang braso habang si Abdulla ay walang kagalos-galos.

Dinala sa Jabez Medical Center sa Nasugbu at ngayon ay nasa mabuting kalagayan na.

         Sa ulat, sinabing ang dalawang marinero ay nagsimulang maglayag sa bayan ng San Isidro sa Leyte patungong Ilocos Norte.

Gayonman, hindi binanggit kung sina Turerer at Abdulla ay mga turista.

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …