Friday , November 15 2024
Convenience store nilooban Nagpanggap na empleyado tiklo

Convenience store nilooban Nagpanggap na empleyado tiklo

BAGO tuluyang nakalayo, mabilis na naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking nagpanggap na store clerk saka hinoldap ang isang convenience store sa bayan ng Calumpit, lalawiggan ng Bulacan, nitong Martes, 13 Hunyo.

Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Ricardo Santiago, Jr., residente ng Brgy. San Jose, bayan ng Paombong, sa nabanggit na lalawigan Bulacan.

Nabatid na si Santiago rin ang pangunahing suspek sa panloloob ng isang convenience store sa Brgy. Iba O’ Este, sa bayan ng Calumpit.

Ayon sa ulat, nagpanggap ang suspek na store clerk at naka-uniporme pa na may pangalang Santiago Jr. nang pumasok sa nasabing tindahan at sapilitang pinabuksan sa crew ang vault.

Nagawang makulimbat ng suspek ang cash na may kabuuang halagang P99,455.00 mula sa vault at saka mabilis na tumakas palayo sa lugar.

Sa mabilis na pagkilos at pagtutulungan ng mga tauhan ng Calumpit MPS, Paombong MPS, at PIB Bulacan PPO na nagsagawa ng follow-up operations, matagumpay nadakip ang suspek na kasalukuyan nang nasa kustodiya na ng mga awtoridad. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …