Anim na dating miyembro ng Militiang Bayan ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Aurora province at sumumpa ng kanilang katapatan sa gobyerno kamakalawa.
Ayon kay PRO3 Director PBGEN JOSE S HIDALGO JR, ang mga sumuko ay dating kasapi ng grupong Regional Sentro Gravidad ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV) na kumikilos sa lalawigan ng Isabela.
Isinuko rin nila ang dalawang hand grenades, isang improvised 12-gauge Shotgun, 1-meter detonating cord, isang blasting cap; tatlong pirasong 12-gauge ammunition; isang pirasong M14 magazine; 10 piraso ng 7.62mm ammunition, watawat ng CPP-NPA at maraming subersibong libro at dokumento.
Gayundin, pinagkalooban sila ng financial assistance at assorted goods matapos silang ihatid sa kani-kanilang komunidad. (MICKA BAUTISTA)