Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa bill deposit refund at mababang power rate  
ERC PINURI, NATUWA SA MORE POWER

061323 Hataw Frontpage

PINURI ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Atty. Monalisa Dimalanta ang More Electric and Power Corporation (MORE Power) sa maayos nitong pamamalakad at pagsunod sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers kasunod ng ipinatupad na bill deposit refund sa kanilang mga customers at pagkakaroon ng mababang power rate sa bansa.

Ayon kay Dimalanta ang ginagawa ng More Power ay dapat na sundan ng mga Distribution Utilities (DUs) o mga electricity provider sa buong bansa.

“We encourage this culture of accountability among the regulated entities as demonstrated by the actions of More Power on the refund and least cost supply,” pahayag ni Dimalanta.

Sinabi ni Dimalanta, kung kayang gawin ng MORE Power ang ganitong maayos na sistema ay dapat ganoon din sa ibang DUs.

Aniya, patuloy ang ginagawang monitoring ng ERC upang matiyak ang rasonableng presyo ng koryente alinsunod sa probisyon ng RA 9136 o Electric Power and Industry Reform Act (Epira Law).

“The commission has been implementing heightened monitoring of regulated entities and this exercise is bringing to the surface the negative practices to correct as well as positive practices to promote,” dagdag ni Dimalanta.

Sa loob ng magkakasunod na anim na buwan ngayong taon ay bumaba ang singil sa koryente ng MORE Power para sa mga residente na sineserbisyohan nito sa Iloilo City.

Ang residential rate ng MORE Power para sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay bumaba ng halos P1 sa P12.2990 per kilowatt-hour (kWh) mula P13.2511 per kWh.

Positibo ang MORE Power na patuloy pa ang pagbaba ng kanilang singil sa koryente hanggang sa pagtatapos ng taon.

Ipinaliwanag ni Niel Parcon, MORE Power vice president for corporate planning and regulatory affairs, dalawa sa naging malaking salik sa pagbaba ng presyo ng koryente ay pagbili nila ng geothermal energy mula sa geothermal plant ng Energy Development Corp., sa Leyte, at ang pagbaba rin ng presyo ng coal sa world market mula sa $488 per ton ay naging $200 per ton.

Matatandaan, pinasimulan din ng MORE Power ang inisyatibo na ibalik ang bill deposit ng kanilang mga “good paying customers,” na sinabing nasa P5 milyong bill deposit ang nakatakdang ibalik ng kompanya ngayong taon.

Ang MORE Power ay nagsimulang mag-operate noong 2020 matapos lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang franchise Law kapalit ng Panay Electric Company (PECO) na nagserbisyo sa Iloilo City mula 1923 hanggang 2019. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …