Sunday , April 6 2025
Lunod, Drown
Lunod, Drown

Inatake ng epilepsy
TANOD NALUNOD

PATAY ang isang barangay tanod matapos malunod sa ilog nang atakehin ng epilepsy sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Richard Balong Orque, 51 anyos, tanod ng barangay sa San Rafael Village ng lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon nina P/CMSgt. Aurelito Galvez at P/SSgt. Allan Bangayan, pinuntahan ng biktima ang bagong biling steel sheet sa gilid ng ilog para gamitin sa pagkukumpuni ng bahay nang atakehin ng epilepsy.

Paglaon ay gumaan din ang pakiramdam nito dakong 1:00 pm nang makapagpahinga.

Laking gulat ng saksing si Ryan Michael Sosing, 28 anyos, nang makita ang biktima na nakalutang sa riverside sa ilalim ng Marala bridge sa Brgy. San Rafael Village.

Agad humingi ng tulong ang saksi sa isang concerned citizen para i-revive ang biktima bago isinugod sa Tondo Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival.

Sinabi sa pulisya ng mga kapitbahay ng namatay, may history ang biktima ng epilepsy. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …