Monday , December 23 2024
Gun Fire

Sa Zamboanga City
8-ANYOS TOTOY NAKABARIL NG KALARO, 12

SUGATAN ang isang 12-anyos batang lalaki nang mabaril ng kanyang 8-anyos kalaro gamit ang isang kalibre .45 pistol sa Brgy. Patalon, sa lungsod ng Zamboanga, nitong Huwebes, 8 Hunyo.

Ayon kay P/Lt. Col. Paul Andrew Cortes, Public Information Officer (PIO) ng Zamboanga CPS, tinamaan ng bala ng baril sa kanyang balikat ang biktima na hanggang ngayon ay tulala pa sa insidente.

Dagdag ni Cortes, pag-aari ang baril ng ama ng 8-anyos na bata na isang karpintero.

Haharapin ng ama ng bata, napaulat na wala sa kanilang bahay nang maganap ang insidente, ang kasong “negligence in relation to the child abuse law” at paglabag sa batas kaugnay sa ilegal na pag-iingat ng baril.

Dinala ang nakabaril na bata sa Zamboanga City Child Protection Center para sa nararapat na disposisyon habang nasa ligtas nang kalagayan ang 12-anyos biktima sa Labuan General Hospital, sa naturang lungsod.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …