Monday , December 23 2024
Alexander Gesmundo

Sa Bulacan  
CJ GESMUNDO MANGUNGUNA SA ARAW NG KALAYAAN  

KASAMA si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang mga Bulakenyo sa komemorasyon ng Ika-125 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Filipinas ngayong araw ng Lunes, 12 Hunyo, sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain, sa lungsod ng Malolos.

Sa temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” magsisimula ang programa sa pagtataas ng watawat, Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Filipinas, at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Hen. Emilio Aguinaldo na pangungunahan ng Punong Mahistrado kasama ang matataas na lokal na opisyal sa pangunguna ni Gobernador Daniel Fernando.

Kasabay ng pagdiriwang ng programa sa Bulacan ang pagdiriwang din ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park, Maynila, at Kawit, Cavite.

Samantala, kasabay ng paggunita ng Araw ng Kalayaan, magsasagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office ng 2023 Kalayaan Job Fair sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa parehong lungsod.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Department of Migrant Workers (DMW), higit 9,000 bakanteng trabaho na magmumula sa 63 lokal na employer at 13 overseas na ahensiya ang maaaring aplayan ng mga Bulakenyong naghahanap ng trabaho.

Ayon kay Fernando, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga job fair, magkakaroon ng maraming pagkakataon ang mga Bulakenyo na makakuha ng trabaho na magdadala sa kanila sa pagtupad ng kanilang mga pangarap para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya.

“Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay ating bibigyan ng pagkakataon ang ating mga kalalawigan na lumaya sa kahirapan sa pamamagitan ng paglalapit sa kanila ng libo-libong oportunidad sa paghahanapbuhay,” anang gobernador.

Dagdag dito, magkakaroon ng mini trade fair ang Department of Trade and Industry (DTI) traders at ang DOLE Integrated Livelihood Program.

Gayondin, ilang community service kabilang ang gupit at masahe, printing at photocopying ng mga dokumento ang iaalok nang libre sa pagdarausan ng gawain. (MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …