Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herlene Budol Zanjoe Marudo

Herlene Budol na-shock sa kaguwapuhan ni Zanjoe 

ni Allan Sancon

NAGKITA sa isang event sina Herlene Budol at Zanjoe Marudo. Hindi maiwasang mabighani ni Herlene sa kagwapuhan ni Zanjoe. Kaya matapos ang event ay hiniling niyang magpa-picture sa aktor.

“Ang gwapo pala ni Zanjoe sa personal at ang tangkad. Sana makatrabaho ko siya soon. At saka si Coco Martin. Ngayong nauuso na ang collaboration ng ABS-CBN at GMA7, sana makatrabaho ko rin ang ilang Kapamilya stars,” pahayag ni Herlene.

Parehong special guests sina Herlene at Zanjoe  sa World Gin Day na ginanap sa Westin Manila Hotel sa Ortigas Pasig City noong June 8, 2023. Judge sila sa isang cocktail mixing contest ng event. 

Natanong natin si Zanjoe kung anong reaksiyon niya na gusto siyang makatrabaho ni Herlene?

“Naku, mukhang magkakatrabaho kami nito. Hindi talaga ako sanay na makatrabaho ng medyo ka-height ko pero why not? Malay mo ‘di ba makatrabaho ko si Herlene soon.”

Excited na si Herlene sa upcoming teleserye niya sa GMA 7, ang Magandang Dilag na siya ang magbibida. Si Zanjoe naman ay looking forward na rin sa kanyang bagong pelikula kasama si Daniel Padilla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …