Monday , December 23 2024
MORE Power iloilo

MORE Power na kusang nagbalik ng bill deposit refund sa customers dapat tularan – Rep. Baronda

PINURI ni Iloilo representative Jam Baronda ang naging inisyatibo ng More Electric and Power Corporation (MORE Power) na kusang ibalik sa kanilang customers ang bill deposit na hindi karaniwang ginagawa ng mga Distribution Utilities (DUs).

“We commend MORE Power for taking the lead in giving back the bill deposits of its consumers who have complied with the requisites,” pahayag ni Baronda.

Ang bill deposit ang paunang ibinabayad ng mga customer sa pag-a-apply ng linya ng koryente.

Alinsunod sa Article 7 ng Magna Carta for Residential Electric Consumers, may obligasyon ang mga DU na isauli ito kung sa loob ng tatlong taon ay nagbabayad sa oras at hindi naputulan ng koryente ang isang customer.

Gayonman, sa probisyon ng batas ay hindi ito kusang ibinibigay ng mga DU bagkus ay kailangan i-apply ang bill deposit refund mismo ng mga customers.

Bunga nito, hinimok ni Baronda ang iba pang DUs na gayahin ang pinasimulan ng MORE Power na hindi na naghintay magsumite ng aplikasyon ang kanilang mga customers bagkus sila mismo ang tumawag sa “eligible customers” pinapunta sa kanilang tanggapan para tanggapin ang refund.

“We call on other distribution utilities to effect the provision of the Magna Carta for Residential Electricity Consumers on the refund of bill deposits by informing and reminding their consumers of this as they might have already forgotten their deposit,” pahayag ni Baronda.

Sinabi ni Baronda na may oversight power ang Kamara para silipin kung nakasusunod ang mga DUs sa pagpapatupad ng bill deposit refund.

“We will also look into the exercise of Congressional oversight by asking for reports of compliance from the Dus,” giit nito.

Una nang sinabi ni MORE Power President at CEO Roel Castro na nasa P5 million bill deposit refund ang nakatakda nilang isauli ngayong taon sa mga eligible customers na nagbabayad sa tamang oras.

Samantala, pumasok sa isang joint venture agreement ang MORE Power sa pamamagitan ng subsidiary nitong Primelectric Holdings, Inc., para sa pagpapalakas ng supply ng koryente sa lalawigan ng Negros.

Nasa P4 bilyon ang ibubuhos na pondo para sa modernisasyon ng Central Negros Electric Cooperative (CENECO), P2 bilyon ang ilaan sa pagbili ng asset habang ang P2 bilyon ay para sa capital expenditure program. “The substantial investment will improve power supply and distribution services to the people  across the CENECO franchise area, which serves over 200,000 customers,” pagtatapos ni Castro.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …