ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ni Vance Larena na isang corrupt na parak ang papel niya sa pelikulang Home Service na mula sa Viva Films at 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo.
Panimula niya, “Ang role ko po sa movie ay si sarhento, a corrupt policeman with an aura of an authoritarian.”
Pahayag pa ni Vance, “Ang Home Service, ito ay istorya ni Happy na isang estudyante na nagtatrabaho bilang masahista thru home service.
“Magiging biktima at involved siya sa isang krimen at mula rito iikot ang istorya kung papaano nya ito malalagpasan.”
Mula sa pamamahala ni Direk Ma-an Asuncion-Dagnalan, tampok dito sina Hershie de Leon, Mon Mendoza, Itan Rosales, at Angelica Cervantes.
Matindi raw ang mga love scene sa pelikulang ito?
Tugon ni Vance, “Matindi nga po. Kahit ako nagulat noong napadaan ako sa station nila direk, hindi ko sinasadyang makita pero matindi nga po ang nakita ko.”
Gaano siya ka-daring dito at paano nag-prepare?
“I read the script and did my character study. I also had to cut my hair,” pakli niya.
“Actually, hindi daring si sarhento sa pelikulang ito, tarantado siya at mapagsamantala,” sambit pa ng tisoy na alaga ni Tyronne James Escalante.