ni Allan Sancon
HINDI na talaga matawaran ang tagumpay ng Vivamax dahil sa loob pa lamang ng tatlong taon, nakamit na nito ang mahigit 7M subscribers mula sa iba’t ibang parte ng mundo.
Sabi ng mga Viva Execuitives na sina Boss Valerie Del Rosario at Boss Vincent Del Rosario, ang sikreto ng tagumpay ng Vivamax ay dahil sa lingguhang pagpapalabas ng mga de kalidad na original films mula sa mga magagaling na director at magagaling na Vivamax artists.
Bukod dito, itinatag na rin kamakailan ng Viva ang Viva One na may more than 500k subscribers na rin sa loob pa lamang ng tatlong buwan, para naman i-cater ang kanilang wholesome audiences. Tagumpay ang launching ng kanilang kauna-unahang series na The Rain in España para sa Viva One na pinagbibidahan nina Heaven Peralejoat Marco Gallo.
Mapapanood din sa Viva One ang mga ilang pelikula ng Viva Films. Pero plano naman din ng Viva na mag-produce rin ng mga original film na wholesome para sa Viva One.
Natanong nga namin kay Boss Vincent kung hindi ba nakaaapekto sa sales ng Viva Films na pagkatapos ipalabas sa sinehan ay ipalalabas ang kanilang mga pelikula sa Viva One matapos ang ilang buwan? Hindi ba nila naisip na baka para makatipid ang audience ay hihintayin na lang ipalabas sa Viva One ang movie ng Viva Films?
“Hindi naman kasi naniniwala pa rin ako na iba ang cinema experience at iba rin naman ‘yung mobile experience or ‘yung manonoof ka lang sa iyong laptop at telebisyon, ibang-iba kapag nanood ka sa loob ng sinehan.”
Sinabi na rin nina Boss Vincent at Boss Valerie ang mga aabangang pelikula, at teleserye ng kanilang naglalakihang artista katulad nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, Cristine Reyes at Marco Gumabao, Julia Barretto at Alden Richards gayundin ang Aga Muhlach at Julia Barretto, maging ang pelikula ng controversial na sina AJ Raval at Aljur Abrenica na posible ring mapanood sa Viva One.