Thursday , December 26 2024
Eat Bulaga Dabarkads

TVJ, Eat Bulaga nagbabu na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGPAALAM na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba pang Dabarkads kahapon ng tanghali kasabay ng pasasalamat sa sambayanang Filipino na tumutok sa kanila sa loob ng 44 na taon.

Kahapon isang replay ang napanood ng netizens kaya marami ang nagtaka at may mga nanghula na hudyat na kaya iyon ng pag-alis ng TVJ at buong Dabarkads at pamamaalam sa ere ng Eat Bulaga.

Bago ang pamamaalam umugong na ang balita na nakikipag-usap na ang TVJ sa ibang network. Kaya naman agad kumalat na tiyak may magaganap na announcement sa pagre-replay ng EB sa GMA 7.

At naganap na nga ang announcement habang umeere ang replay ng production number nina Tito Sen, Bossing, at Joey. Pinutol iyon at lipinakita nang live ang nangyayari sa studio ng longest-running noontime show sa bansa.

Nagpakita agad ang TVJ kasama ang Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Ani Tito Sen, “Pumasok po kami ngayong araw para makapagtrabaho pero hindi po kami pinayagang umere ng new management nang live.”

Kung natatandaan n’yo po, July 30, 1979 nang simulan namin ang Eat Bulaga at 44 years na po ngayong taon na to. Kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa mga naging tahanan namin, unang-una amg RPN 9 for nine years,” susog naman ni Joey. 

“Ang ABS-CBN for six years at ang GMA for 28 years, thank you very much,” dagdag pa ni Joey.

Nagpapasalamat din kami sa lahat ng advertisers mula 1979 na nagmahal, nagtiwala, at sumuporta sa amin.

“Ganoon din sa inyo mga Dabarkads, sa mga manonood, sa inyong pagmamahal sa programa na naging bahagi na ng inyong tanghalian.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Mr. Tony Tuviera sa pagkakaibigan at pagiging bahagi ng aming pamilya at higit sa lahat sa Panginoong Diyos na kahit kailan ay hindi niya kami pinabayaan,” dagdag na sabi ni Tito Sen.

Halata naman ang lungkot kay Vic na sinabing, “Hindi na po namin iisa-isahin ang laman ng aming mga puso at damdamin. Ang hangad lang po namin ay makapagtrabaho nang mapayapa, walang naaagrabyado at may respeto sa bawat isa.

“Simula ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay magpapaalam na sa TAPE, Incorporated. Karangalan po namin na kami’y nakapaghatid ng tuwa’t saya mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay ninyo.

“Maraming, maraming salamat sa inyong lahat, hanggang sa muli. Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa.”

Hindi naman nabanggit ng TVJ kung saan na sila mapapanood. 

Samantala, ikinalungkot ng GMA 7 ang biglang hindi pag-ere ng Eat Bulaga. Narito ang statement na ipinalabas ng GMA sa nangyaring hindi pag-ere ng EB.

GMA NETWORK STATEMENT ON EAT BULAGA  

We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga. GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot. Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues.   Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …