Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ice Seguerra

Ice nalungkot, masaya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA si Ice Seguerra sa mabilis na nagpahayag ng saloobin sa biglaang pamamaalan ng Eat Bulaga sa ere. Produkto ng Little Miss Philippines, isa sa click na click na portion noon ng EB, si Ice at dito siya nabigyan ng pagkakataon para ma-develop ang hosting, singing, acting career.

Sa post ni Ice inamin nitong hindi niya alam kung malulungkoy ba o sasaya na siyempre ang tinutukoy niya ay ang pamamaalam nga ng Eat Bulaga sa ere.

Panimula ni Ice sa Facebook post niya, “Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Lungkot ba o saya?

Malungkot ako sa nangyayari. Sa kawalang respeto. Malungkot ako dahil sa hiwalayang Eat Bulaga at TAPE, mayroong mga taong mag-iiba ang lagay sa buhay. Nalukungkot akong umabot sa ganito.”

Pero sa kabila ng lungkot, masaya si Ice. Aniya, “Pero masaya ako dahil malaya na sila. Eat Bulaga is Eat Bulaga. Kahit saang network sila mapadpad, walang paltos silang makakalipad.

Kaya sulong lang, Dabarkads. Simula pa lang ito nang mas maniningning na hinaharap.”

Samantala, wala pang inilalabas na statement ang TAPE Inc, habang isinusulat namin ang balitang ito.

Matunog naman ang usap-usapan na posibleng sa TV5 mapanood ang TVJ at iba pang Dabarkads.

Well, ‘yan ang hihintayin natin

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …