Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz Unbreak My Heart

Sunshine napa-Naku po Lord, Ayoko nang tanungin sa lovelife 

KUNG dati’y open si Sunshine Cruz sa mga nagaganap sa kanyang buhay-pag-ibig ngayo’y alumpihit na siya sa pagbabahagi nito.

Natanong si Sunshine ukol sa kanyang lovelife sa media conference ng bagong series na kinabibilangan niya, ang Unbreak My Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta Maria, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia na collaboration ng ABS-CBN at GMA7 na napapanood sa Viu.

Ang tanging nasabi ni Sunshine, masaya ang buhay niya ngayon pero hindi niya binanggit kung may bago na siyang boyfriend matapos silang maghiwalay ng dati niyang karelasyon na si Macky Mathay.

At sa tanong nga kung handa na ba siyang magkadyowa uli, “Naku po, Lord! Ayoko!” ang sagot nito.

Ang dati naman niyang asawang si Cesar Montano ay masaya ang buhay-pag-ibig sa piling ni Kath Angeles. Ayos din ang relasyon ni Sunshine kay Kath gayundin kay Cesar na madalas nakikitang magkakasama sa mga lakaran at okasyon.

Ani Sunshine, “Palagi akong happy because sinong hindi magiging happy sa mga blessings na dumarating? 

“Hindi naman porke’t may love life o hindi, roon ka lang magiging masaya,” sabi ni Sunshine.

Itinuturing ni Sunshine na big blessing ang pagkakasama niya sa cast ng powerhouse cast ng Unbreak My Heart. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …