Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz Jodi Sta Maria

Sunshine nahilo sa lakas ng sampal ni Jodi 

ni ALLAN SANCON

ISA si Sunshine Cruz sa mga abalang artista ngayon dahil kabi-kabila ang kanyang teleserye, mapa-GMA Kapamilya

Bahagi siya ng first collaboration series ng GMA at ABS-CBN para sa Viu, ang   Unbreak My Heart kasama sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, Jodi Sta. Maria at marami pang iba. 

Ikinuwento niya sa presscon ng series na na halos mahilo siya sa lakas ng sampal ni Jodi sa kanya sa isang eksena. Aniya, napaka-intense ng sampal na ‘yun dahil sa lakas niyon.

Ang lakas kasi ni Jodi eh, kahit alam natin na petit si Jodi eh. Magwo-work-out pa rin siya at malakas eh. Nakatutuwa lang na na-appreciate ng mga tao, na out balance si Christina Sang, ‘yun ‘yung character ko sa series na ito,” kuwento ni Shine.

Open pa ring gumawa ng sexy roles si Shine basta kailangansa istorya at  may approval ng kanyang mga anak.

Sa kabilang banda, open book na hindi maganda ang paghihiwalay nila ni Cesar Montano. Pero recently ay okay na sila at halos three (3) hours silang magkatabi sa upuan nang dumalo sa graduation ng kanilang anak. Napag-usapan din nila na okay sila muling magkatrabaho sa isang proyekto.

“We talked about things na mayroon daw siyang script and he is considering me to be part of it. Sabi ko why not? Kung kaya naman ng schedule it’s an honor working with Cesar Montano na alam na alam naman nating napahusay na artista,” sambit pa ni Sunshine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …