ni Allan Sancon
MATAPOS manalo bilang Best Actor ni Romnick Sarmenta sa 1st Summer Metro Manila Film Festival sa pelikulang About Us But Not About Us ay sunod-sunod na rin ang kanyang mga proyekto.
Kasama siya sa 1st collaboration project ng ABS-CBN at GMA 7 na Unbreak My Heart, kasama sina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, Jodi Sta. Maria at marami pang iba.
Bahagi rin si Romnick ng bagong series ng iWant na Drag You & Me kasama sina Christian Bables, JC Alcantara, Andrea Brillantes, Ice Seguerra at marami pang iba.
Isang drag queen ang role ni Romnick sa Drag You & Me at asawa niya sa series si Ice Seguerra na isang tomboy ang role.
Pinag-usapan nang husto ang kissing scene nilang dalawa sa series dahil sinabi ni Ice na very memorable sa kanya ang scene na ‘yun.
Kaya naitanong namin kay Romnick kung ano ang naging reaksiyon niya sa kissing scene na ito nila ni Ice?
“It’s a fun experience, and it’s a fun experience to portray a drag queen and meet real drag queens like Brigiding, Silouhette, Vinia, they are a pleasant people. I learned so much from them not being a drag but their personality.
“About the kissing scene with Ice, I found out that day na may kissing scene kami, kasi ‘di nga ako nagbabasa ng script. Hindi naman nag-inarte si Ice that time, at saka the way it was treated naman, essential sa mag-asawa na ginagawa naman nila talaga. It is not treated as sensual. Sabi ko na lang din, sige let’s do it, wala namang naging problema sa akin ‘yung kissing scene na ‘yun.”