Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Raymart Santiago Santino Sabina

Raymart at Claudine reunited sa graduation at recognition ng mga anak

NAKATUTUWANG makitang magkasamang sinuportahan nina Claudine Barretto at Raymart Santiago ang kanilang mga anak na sina Santino at Sabina Santiago sa graduation at recognition nito kamakailan.

Proud na proud na ibinahagi ni Claudine ang achievement ng kanilang mga anak na sina Santino sa recognition ceremony nito at ang graduation ni Sabina.

Nag-share si Claudine sa kanyang Instagram account noong May 28 ng dalawang video clips at doo’y makikita sila ni ni Raymart na magkasama sa isang napakahalagang event sa buhay ng kanilang mga anak bilang.

Unang ipinost ni Claudine sa kanyang IG ang picture nila nina Raymart at Santino na may caption na, “The other day was SANTINO’s recognition day & Sabina’s

Graduation, pasensya na po but I am just soo Proud of both of my kids.

Congratulations mga anak! God be with you in this next chapter of your lives. mommy will always be here cheering & rooting for you both. its a Privilege to be you’re Mom. @sab_barretto.”  

Sa isa namang short video, pareho rin ang isinulat na caption ni Claudine na ang kasama naman niya sa picture ay sina Sabina at Raymart. Hindi naman binanggit ni Clau ang pangalan ni Raymart, at tanging “Sab’ Dad” lang ang sinabi nito.

Anito sa caption, “The woman beside Sab’ Dad & i is YAYA GING. 2nd mom of Sabina for 19 years. it was so important for Sab that her Yaya Ging go up stage with us. (heart emojis).”  

Congratulations Sab and Santino at sa mga proud parent na sina Raymat at Claudine. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …