Sunday , December 22 2024
Moira dela Torre Lolito Go Jeff Vadillo

Lolito Go kay Jeff Vadillo — ‘Di ko dini-discredit si Moira

PAGKATAPOS ipagtanggol ni Jeff Vadillo, Bise Presidente ng Cornerstone Entertainment si Moira dela Torre, muling sumagot si Lolito Go. Ipinagtanggol ni Jeff ang mga paratang ng dating kaibigan ni Moira, na isa ring songwriter ukol sa may ghostwriter ito sa mga hit song niya.

Umpisa ni Lolito sa kanyang sagot, “My official response to Jeff Vadillo of Cornerstone.

“With all due respect, sir, di ko po sinabi sa open letter ko na better songwriter ako. At hindi ko po dini-discredit si Moira. I, actually mentioned na ‘exceptionally gifted songwriter’ at ‘self-made’s’ya. Dagdag ko pa, one way or another, she’ll make it to the top.

“Pangalawa, sa issue ng ghostwriting, ayoko na pong magpost ng resibo rito. Alam kong inappropriate, if not illegal, maglabas ng screenshots ng private convos.  

Sinabi pa ni Go na tanungin si Moira kung totoong hiningi nito ang serbisyo niya bilang songwriter.  

Tanungin n’yo na lang po si Moira kung totoong she asked for my services at kung totoong nagpresyo sya.

Iginiit din ni Lolito na hindi niya sinabing tanging si Jason ang nagsulat ng mga kanta. 

“Pangatlo, sa isyu ng collab nila ni Jason, I never said Jason wrote those songs ”

‘alone.’ I only said Jason wrote most of Moira’s hits to drive home the point na he is equally talented at hindi n’ya kelangang maki-ride or manggamit ng talent ni Moira like a lot of people are saying in social media. Thus, the rhetorical question: ‘Sino ngayon ang manggagamit?’

“Sa isyu naman po ng hindi pagbibigay ng proper credit, di ko naman sinabing sa lahat ng instance ay hindi s’ya nag-aacknowledge.

“In one particular instance, my name was not included sa Spotify credit for a song na I wrote 95% of the lyrics and the melody of. Sabi n’ya, it was an honest mistake. Di n’yo ako masisisi if I did not buy that alibi. Pakitanong na rin po sya tungkol sa bagay na ‘yan.

Sinabi rin ni Lolito na ito na ang huling pagsasalita niya at naiintindihan niya ang ginagawang pagtatanggol ng Cornerstone Entertainment kay Moira dahil talent nila ito.

Maybe this will be the last time magsasalita ako sa isyu na to. I understand you needed to defend her image, her brand. Cash cow n’yo yan eh. Pero ‘wag din ninyong kunsintihin kung may nakikita na kayong red flags.

“Believe it or not, I care for her. I am doing this para mauntog s’ya at mahimasmasan. Masyadong sheepish ang mga kaibigan at kamaganak ni Jason para ipagtanggol ang sarili nila. I took the initiative na kasi ganito ako noon pa man. I can’t keep mum when injustice presents itself.”  (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …