Friday , November 15 2024
Arjo Atayde

Arjo Atayde sobrang ginalingan, binansagang batang Bruce Willis

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PURING-PURI ng mga nakapanood ang pelikulang Topakk ni Arjo Atayde, sa isinagawang international screening nito sa Cannes Film Festival sa France kamakailan. Isa ang Topakk sa mga pelikulang nagkaroon ng gala screening sa Cannes’ Marche du Film Festival Pavilion.

Isa sa mga pumuri  ang owner at Global distributor ng Raven Banner Entertainment na si James Fler.

Anito sa isinagawang interbyu ng Star Magic Inside News, ang Star Magic’s official Youtube channel, “They’re great, they’re great not only just the acting which was amazing but the physicality and whether they take their roles, or whether they deliver the action, it’s not easy to do both but these guys all nailed it.”

Tuwang-tuwa rin ang direktor at isa rin sa producer ng pelikula na si Richard Somes sa matagumpay na screening.“There are actors who will become superstars, there are actors who will become big stars, and there are actors who will become legend sa career nila. And I think Arjo is one of them. 

“He is a legendary actor because hindi mo nakikita o maituwid kung ano ang klaseng acting ang maibibigay sa iyo at saka iyong layer ng acting niya, sobra akong fortunate. And I think we came into full circle na nagkita kami ni Arjo, na nagawa namin ito. 

“So I think legendary ang ginawa niya rito dahil napakahirap and I hope ituloy-tuloy niya ito para sa kanyang career at para sa kanyang craft bilang artist.”

Hindi rin maipaliwanag ni Enchong ang kasiyahan dahil aniya first time niyang nakadalo sa isang international filmfestival.

“Sobra akong masaya, sobra. Ina-absorb ko pa ang lahat ng nangyari and finally I was able to watched and screened a Filipino movie here in Cannes at parte ako. Sobra rin akong masaya that I will be able to bring something home for the country and at the same time, this is my first time na mag-filmfest, mag-international filmfest and I’m just so grateful.

“Punompuno ako ng pagmamahal, punompuno ako ng pasasalamat and inspiration. Ang sarap gumawa ng pelikula, ang sarap dalhin ng pangalan ng Pilipinas. And Arjo, my brother, you are awesome and I’m so proud of you, Team Topakk congratulations.”

Overwhelm din si Arjo sa tagumpay ng kanilang pelikula sa Cannes. Anito, “I’m very happy, very overwhelming experience. It’s such a blessings, a privilege to everyone dahil nga this is all a team collaborative work, from director, producer, actor, staff, production, lahat ng parte at bahagi ng production. Nagbunga ang hard work naming lahat. I’m just very blessed and thankful and greatful.

Sinabi pa ni Arjo na pure action ang Topakk kompara sa Bagman at Cattleya Killer. “Bloated talaga, pasabog ang lahat ng eksena. It’s just pure action definitely entertainment to me and for sure sa mga mahihiig sa action.”

Maging si Sylvia Sanchez ay masayang-masaya sa kinalabasan ng international screening. Anito nang makausap namin sa pamamagitan ng video call, puno ang pinagdausan ng screening at lahat ay pumapalakpak at pinupuri ang galing ng mga nagsipagganap at pagkakagawa sa Topakk.

May nagkomento nga na si Arjo ang batang Bruce Willis. Grabe ang reaction ng tao.

And na-realize ko after the screening, oh my God kaya nating mga Pinoy kasi iyong mga nanonood na mga foreigner, pumapalakpak at talagang hanga sila sa mga Pinoy na, ‘Wow’ sabi nila. 

“Sabi nila ang galing-galing. At totoo naman magaling ang cast from Arjo to Enchong Dee, to Julia Montes and others, lahat sila magagaling talaga. At saka being a producer isa sa realization ko ang hirap, ang hirap maging producer pero masaya like ngayon fulfilled ako after na nadala namin itong pelikula rito sa Cannes.”

Sa tagumpay ngTopakk, nasabi ni Sylvia na plano ng kanilang pamilya, sa pamamagitan ng kanilang Nathan Studio na bumuo at at mag-produce ng quality movies na pwedeng ibenta abroad gayundin sa Pilipinas.

Affter ‘Cattleya Killer, ito namang ‘Topakk’ and after ‘Topakk’  start na naman kami ng  ‘Bagman’ at may mga susunod pa kaya bahala na ang Diyos sa amin. Basta alam naman niya kung ano ang gusto namin, ng Nathan productions. 

Ang gusto namin quality movies at higit sa lahat gusto naming ipakita sa buong mundo na kaya ng mga Pinoy, magagaling ang mga Pinoy. Basta tamang materyal, tamang pagbenta, tama ang lahat, nasa timing lahat, I’m sure mas marami pang Pinoy ang makaka-penetrate abroad and marami pa talaga,” paniniyak pa ni Sylvia.

Sa huli nagpasalamat si Arjo sa lahat ng tumangkilik ng Topakk at inaasahan niyang aabangan ito kapag ipalalabas na. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …