Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Romnick Sarmenta Ice Seguerra

Romnick Sarmenta pumayag makahalikan si Ice Seguerra

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SAYANG at wala si Romnick Sarmenta sa media conference ng Drag You & Me, isang modern family rom-con drama kagabi para maitanong sana namin ang dahilan kung bakit napapayag na siyang makipaghalikan on screen.

Bago ang media conference na isinagawa sa Nectar Bar, BGC ay nagkaroon muna ng screening ng rom-com drama na ukol sa drag culture na ipinagdiriwang ang love sa iba’t ibang form nito. At pagkaraan ay ipinakita ang ilang eksenang dapat abangan at isa na roon ang kissing scene nila ni Ice Seguerra. Gumaganap na mag-asawa sina Romnick at Ice sa serye at anak nila si Andrea Brillantes.

Isang drag queen si Romnick sa serye at si Andrea si Betty, ang fearless at fabulous na anak nila ni Ice na may drag name na Valentine Royale, isang cisgender woman at ultimate LGBTQIA+ ally.

At dahil wala si Romnick, si Ice ang natanong namin ukol sa kanilang halikan ni Romnick. Ipinaalam namin sa kanya na ayaw ng aktor na makipaghalikan onscreen at pabiro itong sumagot ng, “Espesyal daw ako,” natatawang sabi nito.

Nasabi naman ni Romnick sa isang interbyu sa kanya noon na ayaw niyang makipaghalikan at gumawa ng love scenes sa telebisyon at pelikula.

Ang dahilan ng aktor, hindi siya comfortable. “Ayokong may masasabi ang kaeksena ko,” katwiran ni Romnick sa isang interbyu sa kanya.

“Hindi rin kailangang ipakita nang actual, in my own perspective. There are so many ways na puwedeng ipakita in a very symbolic manner,” dagdag na paliwanag pa ni Romnick.

Ang Drag You & Me ay iWantTFC’s Pride Month offering na pinagbibidahan din nina JC Alcantara at Christian Bables na mapapanood na simula June 2. Sa seryeng ito’y pinahahalagahan ang self expression at sense of belonging sa kung ano mang pamilya mayroon ka. Kasama rin dito ang mga rel life drag queens na tulad nina Brigiding, Vinas Deluxe, Xhilhoute, at Precious Paula Nicole na tutulong para lalong mabigyan kulay sa istorya ng mga drag queen.

Idinirehe ito ni JP Habac at tampok din sa serye bukod kina Romnick, Ice, at Andrea sina Kaladkaren Davila, Jon Santos, Cris Villanueva, Albie Casino, Lance Carr, PJ Endrinal, Jeric Raval, Amy Nobleza, Noel Comia Jr., at Yves Flores. With special guest mula sa Home rom the Golden Gays na sina Flor Bien Jr., at Rico Reyes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …