Monday , December 23 2024
Randall Mercurio

Fil-Canadian rep sa Mr Globalmodel International ‘di nakaligtas sa depresyon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HALO-HALONG emosyon. Namatayan. Malungkot ang kapaligiran. Malayo sa mga minamahal. Ilan ito sa mga dahilan kung bakit ang aktibo sa mga mental health initiative ay nakaranas din ng depresyon. Ang tinutukoy namin ay si Randall Mercurio, Filipino-Canadian model at fashion designer 

Nakausap namin si Randall sa Homecoming Media Launch para sa kanya ng Rose Hapin ng RH Productions Canada/Philippines at ikinatwirang maging siya’y ‘di nakapaniwalang made-depress.

“Before pa po, very active na ako sa mental health group. Hindi ko naman akalain na ako mismo makararanas ng depression,” anito.

Nag-start talaga (depression) noong lockdown. Namatay pa ang grandmother ko (na nasa Olongapo). Hindi kami nakauwi. Very gloomy pa ang weather (sa Canada). Nag-trigger talaga. Halo-halong emotions,” esplika pa ni Randall na halos ayaw tumayo mula sa pagkakahiga noon.

Naibahagi pa ni Randall na ni ayaw din niyang tumanggap ng bisita, o makipagkita kanino man gayundin ang sumagot sa anumang tawag. 

“Ayaw kong lumabas. Ayaw ko ng tao. Ayaw ko noong mga mayroong nagtatanong sa akin kung okay ako. Feeling ko that time, lahat ng mga tao tinatawanan ako,” pagbabahagi pa ng Mr Globalmodel International Canada 2023.

At para gumaling, pahinga ang gamot sa nasabing sitwasyon ni Mercurio. “Ngayon na lang talaga nawala. Unti-unti. It’s important na nire-recognize natin ‘yung nararamdaman natin. At ang pinaka-importante—pahinga. Isa sa mga nakatulong sa akin to recover ay pahinga.  

Kaya dapat mas mahalin ng mga kabataan o sinuman sa atin ang sarili. Sa oras na minahal mo ang sarili mo, makakapag-reflect kung ano ba talaga ang purpose mo. Kapag masyado mong inisip ‘yung ibang tao, mawawalan ka ng time para sa sarili mo. It starts po talaga with yourself. 

“Eat healthy. Huwag i-burnout ang sarili,” sabi pa ng isang arkitekto, modelo, singer, dancer.

Samantala,si Randall ang representative ng Filipino-Canadian community sa Misters of Filipinas Fil-Com Canada 2023 pageant na siya mismo ang gagawa/ magdidisenyo ng kanyang national costume na ang inspirasyon niya ang mga OFW. 

“Gusto ko talagang ma-inspire ang mga mas nakababata sa akin. I want them to realize na mayroong purpose.

“Sa national costume ko, ang inspiration is OFWs. It is my way of paying tribute to all the hardworking OFWs. Malapit sa puso ko ito. Sobrang halaga. Bata pa lang po kasi ako, ang naiintindihan ko lang, iniwan kami ni Papa, wala siya sa tabi ko to work abroad. Sobrang nakatulong siya talaga sa amin. Hindi naman namin mararating ang success kung hindi dahil sa hardwork ng father ko.

“Hanggang sa nag-work na rin ako abroad, doon ko lang na-realize kung gaano kahalaga at kalaki ‘yung ginawa niya for us na nakatulong talaga sa future namin,” giit pa ni Randall na Faces West Vancouver Modelling Competition finalist 2022 at Chan International Edmonton talent boot camp finisher 2022 din.

Whew, grabe ang talent nitong si Randall na isa ring licensed Architecture at gumradweyt with honors ng Architectural Design sa Lethbridge College Alberta, Canada noong 2022.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …