Sunday , December 22 2024
Crazy as Pinoy Trianggulo

Crazy as Pinoy nagbabalik sa kanilang Panaginip 

HINDI sila nawala, nagpalamig lang. Ito ang iginiit ng Crazy as Pinoy (dating Trianggulo) na nagbabalik at unang sumikat noong early 2000 nang maging grand champion sila sa RapPublic of the Philippines competition sa Eat Bulaga sa pamamagitan ng kanilang awiting Panaginip na may music video na! 

Ang trio ay kinabibilangan nina Lordivino Ignacio na mas kilala bilang BasilyoMuriel Anne Jamito bilangSisa, at Jeffrey Pilien bilang Crispin ang nagpasikatsa mga awiting Panaginip, Huwad, at Crazy Dance. 

At dahil nagkaroon sila ng solo career noong mid-2000 gumawa ng kani-kanilang sariling tatak ang tatlo sa music industry.

Si Basilyo ang nasa likod ng sikat na sikat na Lord Patawad at siya rin iyong isa sa mga alagad o kasa-kasama ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa action-serye FPJ’s Ang Probinsyano. At ngayon, kasama rin siya sa FPJ’s Batang Quiapo. Nagko-compose rin siya ng mga awitin para sa mga TV at movie projects.

Si Sisa naman ang nasa likod ng kantang Panaginip,  na nakilala t nagkapangalan din sa bilang kompositor at nasa likod ng mga sumikat na  commercial jingles isama pa ang pagsusulat ng mga kanta sa mga kilalang artists. Siya rin ang composer ng hit theme song ng FPJ’s Ang Probinsyano na kinanta ni Regine Velasquez.

Nakipag-collab naman si Crispin sa ilang Hip-hop artists at siyang nasa likod ng mg sumikat na awiting Misyon kasama ang Barakojuan at Marikina All-Star, Minahal Kita Agad  kasama sina Bullet, Duff Uno at Jeremiah Toribio. Siya rin ang ambassador Crazy as Pinoy sa Hip-hop community. 

At ngayong taon, nagdesisyon ang grupo na muling magsama-sama bilang grupo para magbahagi ng mga bagong awitin sa mga Gen Z.

At sa muling pagsasama-sama napagkasunduan nilang muling awitin ang kanilang  iconic song na Panaginip. At ito’y unang naisakatuparan nang mag-guest sila sa Wish 107.5  na talaga namang tumabo at nakakuha ng 14 million views sa YouTube nito simula ng mag-performance sila sa  Wish bus noong February. 

At ito na nga ang naging daan para muling mabuo at muling kantahin ng kanilang grupo ang Panaginip sa pamamagitan ng  new management, ang Blvck Entertainment.

Ang new version ng Panaginip ang first single ng Crazy as Pinoy sa Blvck Music kasama ang official music video na idinirehe ni Titus Cee

Ang Panaginip 2023 ay kasama sa kanilang bagong digital album at available nasa mga music streaming platforms tulad ng Spotify, Apple Music, iTunes, Amazon, Deezer, Medianet, Boomplay, You Music. (Maricris Valdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …