Wednesday , November 6 2024
Summer Blast 2023

Summer Blast 2023 ‘di mahulugang karayom

KUNG ang Chicago ay may Lollapalooza at ang California ay may Coachella, ang Pilipinas ay may Summer Blast! Dito’y tampok ang bigating concert experience, samo’tsaring pasyalan, amusement rides, booths, at summer-themed attractions, na talaga namang nag-level up pa ang event ngayong 2023.

Mahigit 120,000 katao ang nagtungo sa Philippine Arena Complex, Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan noong Mayo 13 para makilahok sa Summer Blast. Walang naiulat na aberya sa trapiko dahil sa bagong sistema ng traffic flow management na ipinatupad.

Nakisaya at nakikanta ang music fans sa performances ng mga bigating artists tulad ng Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy, at si Gloc-9. Dinumog ang Philippine Sports Stadium na halos ‘di mahulugang-karayom sa dami ng nanood.

Hindi lang ang mga manonood ang natuwa sa concert. Mismong ang mga artist, nagpahayag din ng kanilang naging experience.

Masyadong Masaya! Maraming salamat sa pagmamahal Hanggang sa muli!” ani Gloc-9.

Hindi rin nagpahuli ang Silent Sanctuary na nag-post sa kanilang official page ng, “It really was a blast!”

Nagtanghal din ang Soapdish, Bandang Lapis, Sunkissed Lola, Dilaw, Jumanji, Calista, Lunar Lights, Eclipse, Goodwill, at si Noah Alejandre.

Lumutang ang galing at charisma ng bandang Dilaw na sumikat sa kanilang kantang  Uhaw. Sakto sa tag-init ang kanta at ayon sa banda, na-excite sila sa dami ng nanood.

We’re super excited, a bit nervous, it’s our first time playing in a venue like this. The idea of playing in a venue like this is very exciting,” pahayag ng banda sa isang interview.

Marami rin ang napahanga sa bandang Sunkissed Lola. Ito ang unang beses na nakatugtog sila sa napakalaking crowd.

“[It’s] our first time performing sa ganito kalaking crowd. Sobrang overwhelming. Ang solid, ito yung pinakamagandang set-up ng stage,” sabi ng bandang Sunkissed Lola pagkatapos ng kanilang set.

It was a surreal experience. Lined-up with legends and icons in the entertainment industry,” pahayag naman ng Eclipse.

Natapos ang concert sa isang nakamamanghang fireworks display na labis na ikinatuwa ng mga manonood.

Nasilayan naman ng fans ang NET25 artists gaya ng cast ng Quizon CT na sina Eric Quizon, Epy Quizon, Boy 2 Quizon, Vandolph Quizon, Bearwin Meily, Gene Padilla, Gary Lim, Martin Escudero, Yow Andrada, Charuth, Billie Hakensonn, Tanya, Donna Cariaga, at Isabelle De Los Santos. Present din ang cast ng GoodWill na sina Raymond Bagatsing, Devon Seron, David Chua, Smokey Manaloto, Ryan Rems, James Caraan, at Kat Galang, ang mamamahayag na si Alex Santos, TV host Love Anover, Atty. Sal Panelo, mga actress na sina Meg Imperial at Regine AngelesSina Alexa Miro, Jiro Custodio, at Ai Dela Cruz ang nag-host sa concert. 

Inaliw naman nina Anthony Ocampo at Tonipet Gaba ang crowd sa pre-show ng concert.

Bago pa ang concert, nakapaglibot ang mga manonood sa iba’t ibang atraksiyon sa Philippine Arena complex tulad ng The Garden, Butterfly Garden, Airsoft Grounds, Museum of Death, at House of Mirrors.

Nag-enjoy din ang marami sa Inflatables, Trade Show, Game Booths, Water Fun, at Car Show. Sinubukan naman ng mga magkakapamilya at magkakaibigan ang amusement rides na nagbigay ng thrill at excitement. Pinilahan naman ang Bazaar at Food Park na naroon din sa paligid ng venue.

Para naman sa mga hindi nakapanood sa mismong araw ng event, mabibigyan pa rin sila ng tsansang makisaya sa Summer Blast dahil ipalalabas ito sa NET25. Abangan ang detalye sa social media platforms ng estasyon.

Ang tagumpay ng event ay sa pagtutulungan ng pamunuan ng Philippine Arena, Maligaya Development Corporation at NET25, naging matagumpay ang kabuuan ng Summer Blast. Kabilang sa sponsors ng malaking event na ito ang UnionBank, Purefoods, Salem, Executive Optical, Ketopi Philippines, Reinoldmax (WSG Group), Pepsi PH, Godwin Catering, Sunwealth Land Development Corp., Kettle Korn, Eat’s Tukka Time, Max’s, Pacific Synergy Food and Beverages, Skinny Manufacturing Corp., Moon Leaf, MKS, Nature’s Spring, Kapelonggo. E-asypreneur, Canriv Corporation, YC Yummy Ventures, SSB Food Services Corp., Zandhats Express, Goshi Herbal Coffee at EW Villa Medica.

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Bianca Umali Ruru Madrid

Bianca pinabulaanan pagli-live-in nila ni Ruru

MATABILni John Fontanilla MARIING itinanggi ni Bianca Umali ang bali-balitang nagli-live in na sila ng kanyang boyfriend …