Monday , December 23 2024
Mrs Face of Tourism Phils

Mga kandidata ng Mrs Face of Tourism Phils walang kupas ang ganda

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAURONG ang coronation night ng Mrs. Face of Tourism Phils sa second week ng June, na dapat ay sa May 31. Ito ang ibinahagi ng tatlo sa 16 na kandidata dahil sa hindi inaasahang pangyayari. 

Nakausap namin sina Rowena Almocera (aka Alma Soriano) ng Bulacan, Susan Villanueva ng Baguio City, at Jannith Lauce Romantico ng Quezon Province sa isang meryenda at naibahagi ng mga ito ang ukol sa kanilang beauty pageant na handog ng Naitas sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism.

Excited na nga ang tatlo sa gabi ng koronasyon dahil anila’y pioneer sila. “Gusto namin talaga na maging maganda ang outcome ng pageant para magkaroon ng name ang organization,” ani Jannith ng Quezon province.

 Ang tatanghaling Mrs Face of Tourism PH ay magiging parte ng Naitas, isang travel agency na makakasama sa mga convention, seminar dito at sa abroad. Mabibigyan din ng pagkakataon na maglibot sa buong Pilipinas para i-promote ang iba’t ibang magagandang lugar sa bansa at makikipag-kompitensiya rin sa Mrs Face of Tourism International na gagawin sa Thailand sa November 2023.

 Natanong namin ang tatlo kung bakit nga ba sila sumali sa Mrs Face of Tourism Ph. 

Ani Alma,siya ang pinaka-late na sumali. “Ang nag-motivate sa pagsali ko eh iyong pagkakaroon ng iba’t ibang emotions, ups and downs. Na minsan nasasabi mo, ‘I’m so ugly, I’m so old, hopeless. And dumating na lang iyong nasabi ko sa sarili ko na hindi ito pwede. I have to cut it out Kaya one day I look into the mirror and told myself, hey you’re beautiful, you’re sexy, you’re powerful, you’re successful and you are healthy and you live a long life. So what are you waiting for, you have to get up, chin up stomach in, chest out and smile, and say, hey Im still beautiful.

“So our journey never stop, it continues. Mrs Face of Tourism is my new journey, our new journey. This is the challenge that we all wanted to conquer. I want to make my own mark and have my own legacy. Kahit 50 years old na ako, tayo, you are still beautiful and may ibubuga ka pa,” dagdag pa ni Alma na may apat na anak at isang apo na.

“I’m afilliated in different organization na nagse-serve, more on services like Alpha Phi Omega, Rotary. And last year, 2022, I was crowned as Gng Baguio, at na-invite ako ni Ma’am Annie rito. And sabi ko para mas marami akong matutulungan, para maging widen o broaden ang aking business kasi nasa real state ako, magiging connected sa business ko and maraming makikilala mas maraming buss opportunities, sasali ako. Hindi lang naman ito para sa money, pwede mong mai-share ang blessings, you can help the people who are in need, ‘yun ang fashion ko. Specially those children, those abandon children, abused children, pinupuntahan namin ‘yan sa mga orphanage and lastly para mai-promote pa ang tourism sa Baguio,” sabi naman ni Susan, isang real estate broker.

Kontisera naman si Jannith ng Quezon Province na since 2003 pa sumasali sa mga pageant sa school.  noon. “Dahil nakatira at ipinanganak ako sa bayan ng Jomalig, Quezon, very far island na nagiging tourist destination na ngayon and we owned a small beach resort, white sand siya na dinarayo, nasabi ko na one way ito para mai-promote ang aming bayan pati ang bayan ng Quezon. Fashion ko na makatulong at mai-promote ang responsible tourism and of course women empowerment. Na you can’t stop just being a mom and mag-alaga ng bata, magluto. You can do so much more na hindi naiisip ng iba. Of course dapat ikaw as babae maiisip mo sa sarili mo na marami ka pa palang kayang gawin, pwedeng maging inspirasyon ng mga maraming tao. And I think ang Mrs Face of Tourism ay makatutulong sa akin at sa maraming kababaihan para ma-inspire at ma-empower din sila,” katwiran naman ni Jannith na isang realtor.

Bukod sa Long Gown Competition, mayroon din silang paglalaban sa Tropical Wear, Regional Wear competition, at  iba pa. Sa Bulacan o sa Pampanga gagawin ang coronation night at ang Tropical wear competition ay gagawin sa Quezon province at noong Aprbil 19-20 naman ginawa ang Regional wear competition sa Baguio City.

Desidido ang tatlo na masungkit ang korona, bagamat magkakaibigan sila.Pitong korona o title ang pag-aagawan nila tulad ng  Face of Tourism Phils, Eco Tourism, Heriatage and Culture, Mrs Nightas at iba pa.

Sa kabilang banda, hindi si Michelle Dee ang bet na manalo sa Miss Universe Philippines 2023 ng tatlo. Mas gusto raw nila si  Pauline Amelinckx na itinanghal na Miss Supranational Philippines.

Katwiran ng tatlo, taglay ni Pauline ang lahat ng katangian para sa naturang titulo.    

“Panalong-panalo ang aura ni Miss Bohol noong gabing ‘yon,” ani Jannith.

“I like the way she walks. I like the way she answered the question. Makikita mo sa kanya ang sincerity,” sabi naman ni Alma.

Baka nakulangan kasi sila kay Michelle. Pero, give her a chance to prove herself. Ako rin kasi nakulangan ako sa sagot niya. Sa pagrampa, talagang magaling si Bohol, kahit si Miss Baguio o si Miss Zambales,” susog naman ni Susan. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …