Sunday , December 22 2024
Arjo Atayde Maine Mendoza Sylvia Sanchez  Cattleya Killer

Maine proud fiance kay Arjo — Napakahusay! Ang galing-galing!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI napigilan ni Maine Mendoza na paulit-ulit sabihing, “Napakahusay, napakahusay,” na ang tinutukoy ay ang magaling na pagkakaganap ni Arjo Atayde sa pelikulang Cattleya Killer pagkatapos ng isinagawang Blue Carpet Screening sa Trinoma Cinema noong Biyernes ng gabi.

Talaga namang super proud fiance si Maine kay Arjo na nakausap namin nang lumapit sa magiging biyenan na si Sylvia Sanchez.

Sabi nga nito, “Super! Lalo na kay tita (Sylvia) as a mom,” sagot nito nang matanong kung gaano siya ka-proud kay Arjo sabay hawak sa balikat ni Sylvia.

Si Arjo ang bibida sa international psychological thriller na Cattleya Killer, na remake ng  1996 film na Sa Aking Mga Kamay na pinagbidahan ni Aga Muhlach. Ang six part series na Cattleya Killer ay ii-stream sa Prime Videoat dinirehe ni Dan Villegas,   isinulat ni Dodo Dayao, at mapapanood na simula June 1.

Masalimuot ang karakter ni Arjo bilang si Anton de la Rosa na kapatid ni Jake Cuenca at anak ni Christopher de Leon.

Nakatutuwa ang reaksiyon ni Maine at kitang-kita talaga kung gaano siya ka-proud sa mapapangasawang aktor. 

Galing! Galing! Congrats, tita!” muling sabi ni Maine kay Sylvia. Na sinagot naman nito ng, “Wala akong masabi… basta, magaling ‘yung mapapangasawa mo umarte,” sabay yakap kay Maine.

“Mahusay kayo. Kanino pa ba magmamana?” sabi pa ni Maine sa magiging biyenan, at pinasalamatan ito ni Sylvia.  “Thank you, thank you sa pagdating!” na hindi namin agad napansin na naroon pala dahil nasa isang sulok lang ito at hiyang-hiya pang magpakita.

“Nahihiya po ako,” sabi nga ni Maine kaya niyakap ito ng ina ni Arjo at inilayo na sa mga entertainment press. 

Pagkaraan nito’y narinig naming isinasama si Maine ni Sylvia sa holding room na kinaroroonan ni Arjo para sa pagsisimula ng press conference subalit nanatili ang komedyana/host sa itaas ng sinehan. Na kapuri-puri para sa amin dahil ayaw niyang agawan ng eksena ang pelikula ni Arjo dahil for sure ang uuriratin sa kanila ay kung kailan nga ba ang kanilang kasal.

Hindi naman naiwasang itanong kay Arjo kung ang klase ng Cattleya Killer movie ang gusto niyang ipapanood kay Maine. Na sinagot ng kongresista ng District 1 ng, “Definitely po, kahit kanino. We really worked hard for it. And always, as I’ve said, again so much to say about everyone, but yun po, definitely.

“Very proud to make anyone—especially Maine—watch it.”

Sa kabilang bandanatanong si Arjo ukol sa mga future plans niya kay Maine at nabanggit nitong gusto niyang magkaroon sila ng tatlong anak.

Whatever it is that we could have in the future, definitely in the near future it’s part of our plan. Kung ano ang ibigay ng Diyos. But definitely three at least in God’s time, or let’s see,” anito.

At sa mga gustong makaalam kung ano ang nakita ni Arjo at nasabi niyang si Maine na ang the one o gustong pakasalan, sinabi ng mahusay na aktor na,  “Very hard to explain how a person can be unique the way you see them. But to me, she’s a very loving person, mabuti ang puso niya. That’s also very hard to find, ‘yung sincerity. And grabe magmahal.”

But ‘yun po, hindi ko po ma-explain. Grabe po, eh. It’s a different way, iba po, eh. I’m overwhelmed with the way I love her and she loves me back. It’s a different understanding. I think I found a best friend, a partner,” sabi pa ng aktor/producer.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …