Thursday , December 26 2024
Kat Dovey, Nico Locco, Andrea Garcia, Luke Selby Jao Daniel Elamparo

Nico Locco ‘bumigay’ kina Kat at Andrea

TUNAY naman talagang mapapakagat-labi ang sinumang manonood ng bagong handog ng Vivamax, ang Sandwich na tinatampukan nina  Kat Dovey, Nico Locco, Andrea Garcia, Luke Selby dahil umaatikabong sex na agad ang bubungad sa screen.

Mula ito sa malikhaing utak ni Brillante Mendoza, tunghayan kung paano mauuwi sa karahasan ang pakikipag-threesome ng mag-asawang Edward (Luke Selby) at Ria (Kat Dovey). Ito ay idinirehe ng batam-batang si Jao Daniel Elamparo (editor ng Death of a Girlfriend). 

Sa kagustuhan ng mag-asawa na makaranas muna ng excitement bago makulong sa bahay dahil sa lockdown, inimbitahan nila si Candice (Andrea Garcia) para sumiping sa kanila. Pumayag naman ang dalaga lalo na’t brokenhearted pa ito dahil sa pagkahiwalay sa nobyo.  Hindi nila alam na ang kanilang maiinit na tagpo ay pinapanood ni Andrew (Nico Locco) na nakatira sa kabilang condo unit. Nagawa pa nilang papasukin ang binata sa kanilang tahanan.

Dahil sa kanyang karisma, naging at ease sina Edward at Ria kay Andrew. Pero dahil kay Andrew, anumang sarap ang naranasan nila sa threesome ay mapapalitan ng walang katumbas na pasakit.  

Samantala, ito ang unang pelikula ni Nico sa Vivamax simula nang pumanaw ang kanyang manager na si Shandii Bacolod kaya naman nasabi nitong ang pelikulang ito ay para sa dating manager.

This will be the first film I’ve shot since he passed away. So we could say that this film is partly for him. Shandii kasi push me to sign with Viva eights months ago so, everytime I do a project with Viva I think of Shandii hoping na proud siya sa akin,” ani Nico.

Iginiit din ni Nico na much bolder ang pelikulang Sandwich dahil, “this is psychological drama, and this is my comfort zone (na ikinompara niya sa Afam movie na isang comedy), comedy is not my comfort zone pero nag-enjoy ako sa pagko-comedy sa Afam.”

Natanong naman si direk Jao kung may touch ni direk Brillante ang movie? “Well of course, there is direk Brillante to guide us and I’m very grateful kasi hindi naman lahat nagkakaroon ng chance na to be guided by him. It’s a collaborative effort, andyan siya. Kasi feeling ko, as a first timer, in everything you do, you get overwhelm sometime kaya for me andoon siya para to make sure na nakukuha namin kung ano ang kailangan namin, mga material and siya iyong kumbaga nagko-control niyonh set, siya ‘yung master namin, lahat kami actually even the actors,” esplika ni direk Jao.

Hindi naman maitago ni Nico ang pagkabilib sa kanilang direktor na sa edad 27 ay magaling na itong gumawa at magdirehe ng pelikula. “You’re 27 years old and you’re doing featured film right? Not to shabby, so abangan n’yo sa mga upcoming film and he’s really damn good,” ani Nico.

Sinabi naman ni Andrea na, “I dont feel that he’s a newbie at all kasi Center Stage and direk Jao  specifically, everybody such professional and it’s so easy to work with them and we all collaborative and its a such a light feeling to with with Center Stage. It’s my second time to work with them. First and second time are still the same, it’s really great.”

At si Kat naman, “everyone has a chance when working with direk brillante to see and witness like Jao said even us actors we learn things everytime we work with direk Brillante so, parang hindi na rin siya baguhan.”

At dahil napasubok agad sa bold/sexy movie si direk Jao, ito na ba ang genre na gusto niyang pasukan? 

Ako naman I don’t mind kung anong genre ang magbibigay ng opportunity sa akin as long as the story worth directing game ako riyan. Kasi ‘yun naman ang point doon eh. Parang for me naman at the end of the day we are trying to show how life is, how humans work. So for me kasi life is not a simple genre, so minsan were sad, minsan were happy ,right, minsan were scared, sa akin kasi most of the times, were sexiest,” nangingiting katwiran pa ng batang direktor.

Tiniyak din ni direk Jao na naibigay nila ang gusto at hinahanap ng audience sa mga pelikulang napapanood sa Vivamax. At kug ano ang napanood namin sa press screening noong gabing iyon sa pelikulang Sandwich, iyon din daw ang mapapanood sa mga sinehan sa May 19. “I think iyon naman ang gusto ng audience so iyon ang ibibigay namin sa audience. Hindi ito babawasan ng mga scene na talagang maiinit.” (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …