Naaresto ng kapulisan sa Central Luzon ang tatlo sa most wanted persons sa isinagawang magkakahiwalay na manhunt operations sa rehiyon kamakalawa.
Ang mga tauhan ng PIU-Bulacan katuwang ang 3rd Maneuver Platoon, Bulacan 2nd PMFC, Bulacan PPO, at 301st MC, RMFB3 ay nagsilbi ng warrant of arrest laban kay Gilbert Dela Paz y Garcia, Top 3 Most Wanted Person, sa Brgy. Cambio, San Miguel, Bulacan.
May kaugnayan ito sa paglabag sa Sec 11 Art. II ng RA 9165 at RA 10591 na ang warrant of arrest ay inilabas ni Judge Crisostomo J. Danguilan ng Regional Trial Court- Br. 21, City of Malolos.
Gayundin, si Zenaida Dela Cruz y Reyes, Top 7 Regional Most Wanted Person,ay arestado ng magkasanib na mga operatiba ng Cabanatuan City PS, CIDG Nueva Ecija PFU, PIU-NEPPO, PIT-NE RIU3, 1st-PMFC NEPPO, RMFB 3 at SCU3 sa pamamagitan ng manhunt operation sa Brgy. Dicarma, Cabanatuan City.
Ang akusado ay may kasong Carnapping na ang warrant of arrest laban sa kanya ay inisyu ni Judge Frazierwin Villaflor Viterbo, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 33, Guimba, Nueva Ecija.
Samantalang ang magkasanib na mga tauhan ng Sto Tomas MPS at Pampanga 1st PMFC ay nagsilbi ng warrant of arrest laban kay Enrique Dizon y Quirat aka Lolo Dike, Top 2 Municipal Most Wanted Person para sa 2 counts ng Statutory Rape na inisyu ni Judge Rohermia J Jamsani-Rodriguez, Presiding Judge ng Family Court Branch 9, City of San Fernando, Pampanga.(Micka Bautista)